Bible Challenge: Ephesians 6:10-18

Take Home Principle: 

“As a follower of Christ, I will stand firm in my faith by depending on the Lord and arming myself against the attacks of the enemy at all times.”

Discovery Questions

  1. What does Paul admonish the Ephesian believers in v.10?  How should this be accomplished according to him? (v.11)
  2.  What armor of God must we have to stand our ground against the spiritual forces of evil?

Understanding Questions 

  1. Paul enumerated the pieces of the armor in the order in which a Roman soldier during his time would normally put them on. And every piece of the armor has a specific use. What do you think is the significance of this as we engage in a spiritual battle?
  2.  If Christ has already won the battle against Satan (Col. 2: 15), why do we still need to put on the armor of God and stand firm?
  3. Paul’s instruction ends with a call to pray (v.18).  Why is prayer crucial in our daily battle with the enemy?

Application Questions

  1. Share with the group how you/your family can grow stronger in the Lord. What training (example: spending more time studying the Word of the Lord) will you need so that you can stand firmly against the attack of the enemy? 
  2. Are there any battles that you or your family is currently facing that have been leaving you feeling weak and worn out?  Which piece from the armor of God do you think you need to put on to help you “stand your ground?”?
  3. How is your/your family’s prayer time? What steps will you take to grow in your prayer life after learning about its importance in our spiritual battle.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Bilang tagasunod ni Kristo, magpapakatatag ako sa aking pananampalataya sa tulong ng maaasahan kong Panginoon at magsasanggalang ako laban sa mga atake ng kaaway sa lahat ng oras.” 

Pagtuklas

  1. Ano ang payo o paalala ni Pablo sa mga mananampalatayang taga Efeso sa v.10?  Ayon sa kanya, paano dapat ito masunod o matupad (v.11)?
  2. Anu-ano ang kabilang sa buong baluting kaloob ng Diyos na dapat nating taglayin para mapaglabanan ang mga puwersang espirituwal ng kasamaan?

Pag-unawa

  1. Inisa-isa ni Pablo ang mga piraso ng baluti ayon sa ayos o pagkakasunud-sunod ng pagsuot ng mga Romanong sundalo noong panahon na yon. Bawat piraso ng baluti ay may partikular o tiyak na paggagamitan.  Ano sa palagay mo ang kabuluhan/kahalagahan nito sa ating espirituwal na pakikipaglaban? 
  2. Kung sa labanan ay nagtagumpay na si Kristo laban kay Satanas (Col. 2:15), bakit pa natin kailangang magsuot ng baluting kaloob ng Diyos at magpakatibay/magpakatatag?
  3. Ang bilin ni Pablo ay nagwakas sa panawagang tayo’y manalangin/magdasal (v.18).  Bakit napakahalaga ng panalangin sa araw-araw na pakikipaglaban sa kaaway?

Pagtugon

  1. Ibahagi ninyo sa grupo kung paano kayo/ang pamilya ninyo ay lalagong mas matatag sa kalooban ng Panginoon. Anong pagsasanay (Halimbawa: paggugol ng mas mahabang oras sa pag-aaral ng Salita ng Diyos) ang kakailanganin ninyo para kayaning maging matatag laban sa atake ng kaaway?
  2. Mayroon bang labanan kayo o ang pamilya ninyo na kasalukuyan ninyong kinakaharap na nagpapahina sa inyo o ikinakapagod ninyo? Aling piraso mula sa baluting kaloob ng Diyos ang sa palagay ninyong kailangan ninyong isuot para makatulong sa pagpapatatag ng inyong tayo/paninindigan?
  3. Kumusta ang inyong oras ng pananalangin/ng pamilya ninyo?  Pagkatapos ninyong malaman ang kahalagahan ng pananalangin sa espirituwal na labanan, anong mga hakbang ang gagawin ninyo para lumago sa inyong buhay sa panalangin?