Bible Challenge: 1 Peter 1:14-19




Take Home Principle: 

“Since I belong to Christ, I will discipline my mind and actions to be Holy like Him.”

Discovery Questions

  1. What are we commanded to do in verses 14-16?
  2. According to verse 17, how should we live out our lives and why should we do so?
  3. What was the price of our redemption and the reason for why we can now call God as Father? (verses 18-19)

Understanding Questions 

  1. What does the command “be holy” mean? Does it mean that I should not sin—that I should do no wrong? How can we be holy in all we do?
  2. What do you think is meant by “live out your time as foreigners in reverent fear”? How does having this mindset help us be holy?
  3. Is it possible to be completely at home in the world, and still live in obedience to Christ? Why or why not?

Application Questions

  1. Examine your own life.
    a) What are some of the things the devil has used (or is using) to make you forget that we belong to Christ? How can you guard against this?
    b) What circumstances does God use to remind us that this is not our home? How should we then respond when these happen to us?
  2. Knowing that God made the ultimate sacrifice for us, we must not take lightly his command for us to be holy. We must take action. Can you think of any changes that you need to make in your life to obey Him completely? How can you enable the Holy Spirit to work in you? How can your small group or Christian friends help?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Dahil ako ay nabibilang kay Kristo, didisiplinahin ko ang aking isip at kilos para maging banal tulad Niya.”

Pagtuklas

  1. Ano ang iniutos na gawin natin sa verses 14-16?
  2. Ayon sa verse 17, paano tayo dapat mamuhay at bakit tayo dapat ganoon?
  3. Ano ang kabayaran ng pagtubos sa atin at ang dahilan kung bakit natin natatawag ang Diyos bilang Ama? (verses 18-19)

Pag-unawa

  1. Ano ang ibig sabihin ng kautusang “magpakabanal kayo”? Ibig bang sabihin na hindi dapat nagkakasala – hindi dapat gumawa ng mali? Paano tayo magpapakabanal sa lahat ng gawain natin?
  2. Sa palagay ninyo, ano ang ibig sabihin ng “mamuhay kayo na parang mga dayuhan na may paggalang at takot”? Paano tayo matutulungan ng pagkakaroon natin ng ganitong pag-iisip para magpakabanal?
  3. Posible bang masanay ng lubos sa mundo, at mamuhay pa rin ng may pagsunod kay Kristo? Bakit o bakit hindi?

Pagtugon

  1. Suriin ang sariling buhay.
    a) Ano-anong mga bagay ang ginamit (o ginagamit) ng demonyo para magawa mong kalimutang tayo ay kabilang kay Kristo? Paano mo paglalabanan ito?
    b) Ano-anong pangyayari ang ginagamit ng Diyos para ipaalala sa atin na hindi dito ang tahanan natin? Paano tayo dapat tumugon kapag nangyari iyon sa atin?
  2. Dahil alam natin ang ginawang sukdulang sakripisyo ng Diyos para sa atin, hindi natin dapat binabasta-basta ang kautusan Niyang mag-pakabanal tayo. Dapat tayong may gawin. Nakakaisip ka ba ng anu-mang pagbabago na kailangan mong gawin sa buhay mo para lubusan mo Siyang sundin? Paano mo hahayaan ang Banal na Espiritu na kumilos sa iyo? Paano makatutulong ang iyong mga kagrupo o mga Kristiyanong kaibigan?