Bible Challenge: 1 Samuel 10:17-25; Deuteronomy 17:14-20




Take Home Principle: 

I will fulfill my duty as a citizen and as a believer by upholding God’s qualifications for leaders in choosing our public officials.

Discovery Questions

  1. What is Samuel’s purpose in gathering God’s people at Mizpah?
  2. How was the king selected (1 Samuel 10:20-25)and what are the regulations of Kingship as explained by Samuel in Deuteronomy 17:14-20)?
  3. After Saul was selected as King, what happened?

Understanding Questions 

  1. Prior to selecting a king, Samuel made it clear that it was Israel’s choice to reject God and choose a human king(v 18, 19) just like the nations around them( 1 Samuel 8:7, 20).Would you have made the same decision to ask for a human king? Why do you think God accommodated Israel’s clamor?
  2. What is the meaning of choosing a King that “the Lord your God choses”?
  3. If a nation ends up with an ungodly leader who leads his people to destruction, does it mean that God made a mistake
  4. What is the significance of Saul being accompanied by “valiant men whose hearts God touched”?

Application Questions

  1. God does have a say in selecting a nation’s leader. How can you translate Deuteronomy 17:14-20 when electing our public officials?
  2. In the context of a democratic system where we elect leaders that are not necessarily believers, what do you think should our role be as Christians during campaign season and local/national elections? How about after elections (when the winning candidates have been declared?)
  3. Pray for each other for wisdom, discernment and the Lord’s guidance as you individually select your candidates for the upcoming elections. Pray for a clean, honest, orderly and peaceful election this coming May.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Tutuparin ko ang aking tungkulin bilang mamamayan at mananampalataya sa pagpili sa mga mamumuno sa bayan gamit ang mga panuntunang ibinigay ng Diyos.

Pagtuklas

  1. Ano ang pakay ni Samuel sa pagtipon ng mga anak ng Diyos sa Mizpah?
  2. Paano pinili ang hari ayon sa Samuel 10:20-25 at anu-ano ang mga panuntunan sa pagiging hari ayon sa paliwanag ni Samuel sa Deuteronomio 17:14-20?
  3. Matapos mapili si Saul bilang hari, ano ang nangyari?

Pag-unawa

  1. Bago pa man pumili ng hari, Nilinaw ni Samuel na ang pagpili ng taong hari ay pagtanggi/pagtalikod sa Diyos. Sa kabila nito, ipinagwalang bahala ng mga Israelita ang babala ng Diyos at ipinagpilitan ang kanilang gusto. Bakit pinagbigyan ng Diyos ang kanilang kagustuhan?
  2. Ano ang kahulugan ng pagpili ng hari “ayon sa pinili ng Diyos”?
  3. Kung ang bayan ay nagkaroon ng pinunong hindi maka Diyos at pinangunahan ang bayan sa pagkasira, nangangahulugan ba ito na nagkamali ang Diyos?
  4. Ano ang kahalagahan ng pagsama kay Saul ng mga “matatapang na lalaki na ang pusoy hinipo ng Diyos?”

Pagtugon

  1. Ang Diyos ay mayroong malinaw na panuntunan sa pagpili ng mga pinuno ng bansa. Paano mo ipapatupad ang Deuteronomio 17:14-20 sa pagpili ng ating mga pinuno?
  2. Sa ating bansa kung saan tayo ay pumipili ng mga pinuno na maaaring hindi mananampalataya, paano tayo kikilos bilang tagasunod ni Cristo Jesus sa panahon ng eleksyon? Ano ang maari nating maging papel matapos mapili at maitalaga ang mga ang mga pinuno?
  3. Ipanalangin ang bawat isa para sa katalinuhan, kaunawaan at gabay ng Diyos sa pagpili ng tamang kandidato ngayong darating na eleksyon sa Mayo. Ipanalangin ang malinis, tapat, maayos at mapayapang eleksyon.