Take Home Principle:
“I will wholeheartedly submit to and love my spouse, honor my parents and not aggravate my children, as the Lord wants me to.”
Discovery Question
- What instructions were given to members of the Christian household, and what reasons were mentioned?
- What reasons were mentioned for each of the instructions?
Understanding Questions
- What does the Bible mean for wives to “submit” to their husbands? Are there any exceptions or conditions to submitting to them?
- God’s command to love one another applies to everyone (John 13:34; Matt 22:39), so why do you think specific instructions are given here for husbands to “love” their wives and “not to be harsh”? Are there any exceptions or conditions?
- Who do you think Paul is addressing when he mentioned“children”? Aside from the fact that obedience to parents pleases the Lord, what other reason can you think of why children are instructed to obey their parents? Are there any exceptions / conditions?
- What does it mean to embitter or aggravate your kids (also in Eph 6:4)? Does this apply to mothers too?
Application Questions
- As a wife/husband/child, how have you been demonstrating (or how can you demonstrate) these instructions? What are your joys and struggles with submission / showing love/ obedience to those in your household?
- For single adults or single parents still living with parents, how does this apply to you? What are the challenges/issues you face as an adult and/or as a parent living under your parent’s roof?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Buong puso akong magpapasakop at mamahalin ko ang aking asawa, igagalang ko ang aking mga magulang at hindi ko palalalain ang sama ng loob ng aking mga anak, gaya ng nais ng Panginoon na gawin ko.”
Pagtuklas
- Ano ang mga binigay na bilin sa mga miyembro ng sambahayang/pamilyang Kristiyano
- Ano ang mga dahilang nabanggit para sa bawat bilin?
Pag-unawa
- Ano ang ibig ipakahulugan ng Bibliya sa bilin sa mga misis na “magpasakop” sa kanilang mister? Mayroon bang eksepsyon o taliwas o kondisyon sa pagpapasakop sa kanila?
- Ang utos ng Diyos na magmahalan ang bawat isa ay utos sa lahat (Juan 13:34; Mateo 22:39), kaya sa palagay ninyo, bakit binigay na partikular na bilin sa mga asawang lalaki ang “mahalin ang inyong asawa at huwag magmalupit sa kanila”? Mayroon bang eksepsyon o kondisyon?
- Sino sa palagay ninyo ang tinutukoy ni Pablo na “mga anak”? Bukod sa totoong ang pagsunod sa mga magulang ay nakalulugod sa Panginoon, ano pa sa palagay ninyo ang dahilan bakit may bilin sa mga anak na sumunod sa mga magulang? Mayroon bang eksepsyon o kondisyon?
- Ano ang ibig sabihin ng (huwag) pasamain ang loob o palalain ang hinanakit ng mga anak (sa Efeso 6:4 rin)? Para din ba ito sa mga ina?
Pagtugon
- Bilang maybahay o misis/asawang lalaki o mister/anak, paano mo ipinapakita/ipapakita ang pagsunod sa mga bilin? Ano ang iyong kagalakan at/o pakikibaka o hamon sa pagpapasakop/pagpapadama ng pagmamahal/pagsunod o paggalang sa mga nasa iyong sambahayan/pamilya?
- Para sa mga nasa edad nang binata at dalaga o solong magulang na naninirahang kasama ang mga magulang, paano ito mai-a-apply sa iyo? Ano ang mga hamon o isyu na kinakaharap mo bilang nasa edad na o bilang magulang na nakatira pa sa iyong mga magulang?