Bible Challenge: Luke 2:39-52




Take Home Principle: 

“As for me and my house we will pursue holiness by modelling steadfast obedience to the Lord.“

Discovery Question

  1. What was the reason why Jesus’ parents travelled to Jerusalem?
  2. From verse 43 – 46, the author narrated how the boy Jesus stayed behind after the celebration without his parent’s knowledge. It took three days before he was found. Where was he seen and what was he doing?
  3. When the boy Jesus was finally seen, his mother said to him “Why have you treated us like this? Your father and I have been anxiously searching for you.” (v.48) How did Jesus respond?

Understanding Questions 

  1. In verses 41 – 42, the author narrated that every year Jesus’ parents would travel to Jerusalem for a festival. It was further revealed that it was only during the year when Jesus was finally 12 years of age did his parents allow him to join. What do you think was the reason for this?
  2. In verse 49, what did Jesus mean with what he responded to his mother?
  3. Upon reading the passage, it seems as if the author just wrote a narrative about one of the significant events of Jesus’ pre-adolescent years. What else can we extract from this passage? What is the author trying to impart to his readers?

Application Questions

  1. Jesus modeled obedience to God the father, and consequently, to his parents. How can we follow Jesus’ example? Have you been in a similar situation to that of Jesus and his parents? (see v. 44 – 49) How did you deal with the situation and what can you learn from this?
  2. How do the lives of other Christians affect your pursuit of holiness? If you are not encouraged by what you see, what do you do about it?
  3. How can you likewise encourage your family to model Christ’s obedience and his Character?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Para sa akin at sa aking sambahayan, sisikapin namin ang kabanalan sa pamamagitan ng pagpapakita ng matatag na pagsunod sa Panginoon.”

Pagtuklas

  1. Ano ang dahilan kung bakit naglakbay ang mga magulang ni Hesus sa Jerusalem?
  2. Mula sa taludtod 43 – 46, isinalaysay ng may-akda kung paano nanatili ang batang si Hesus pagkatapos ng pagdiriwang nang hindi nalalaman ng kanyang magulang. Tumagal ng tatlong araw bago siya natagpuan. Saan siya nakita at ano ang ginagawa niya?
  3. Nang makita ang batang si Hesus, sinabi sa kanya ng kanyang ina, “Bakit mo kami ginawang ganito? Ang iyong ama at ako ay sabik na sabik na naghahanap sa iyo.” (t.48) Paano tumugon si Hesus?

Pag-unawa

  1. Sa taludtod 41 – 42, isinalaysay ng may-akda na taun-taon ang mga magulang ni Hesus ay naglalakbay sa Jerusalem para sa isang kapistahan. Ibinunyag pa na noong taon lamang na si Hesus ay 12 taong gulang lamang pinayagan siya ng kanyang mga magulang na sumali. Ano sa tingin mo ang dahilan nito?
  2. Sa talata 49, ano ang ibig sabihin ni Jesus sa kanyang itinugon sa kanyang ina?
  3. Sa pagbabasa ng sipi, tila ang may-akda ay sumulat lamang ng isang sanaysay tungkol sa isa sa mga mahahalagang pangyayari sa mga taon ng pagbibinata ni Jesus. Ano pa ang maaari nating makuha mula sa talatang ito? Ano ang sinusubukan ibigay ng may-akda sa kanyang mga mambabasa?

Pagtugon

  1. Si Jesus ay naging huwaran ng pagsunod sa Diyos ama, at dahil dito, sa kanyang mga magulang. Paano natin matutularan ang halimbawa ni Hesus? Naranasan mo na ba ang katulad na kalagayan ni Hesus at ng kanyang mga magulang? (tingnan ang t. 44 – 49) Paano mo hinarap ang sitwasyon at ano ang matututuhan mo rito?
  2. Paano naaapektuhan ng buhay ng ibang mga Kristiyano ang iyong paghahangad ng kabanalan? Kung hindi ka na-encourage sa nakikita mo, ano ang gagawin mo dito?
  3. Paano mo rin mahihikayat ang iyong pamilya na tularan ang pagsunod ni Kristo at ang Kanyang Ugali?