Bible Challenge: Zechariah 1:1-6

Take Home Principle: 

“When the Lord confronts me with my wrongdoings, I will pay attention, listen and repent.”

Discovery Question

  1. What command did the Lord give to His people through Zechariah?
  2. What was the Lord’s promise if they do this?
  3. Whose example did the Lord say they should not follow? What did they do?

Understanding Questions 

  1. What happened to the ancestors who did not pay attention or listen to the Lord? What warning is implied in verses 5-6?
  2. Why do you think that even with the wonderful promise of God’s presence, people still rebel against Him and continue with their evil ways?
  3. We see in this passage and throughout the Bible that the Lord calls His people to repent and to return to him every so often. Why do you think that is? What does it reveal about us and about Jesus?

Application Questions

  1. The Lord can use the Bible, circumstances, or other people to rebuke us. It is usually an unpleasant, or even painful experience. We might sorely be tempted to put the blame on others if we do not listen (e.g., a person was too harsh or too nice in delivering the rebuke)—but God will always hold us accountable for our own sins, not them. How can we cultivate the right attitude to respond to a rebuke as God wants us to?
  2. Has God been asking you to return to Him? Have you really been paying attention? Reflect and share your realizations.
  3. How can you minister to a fellow Christian in need of rebuke?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Kapag hinarap ako ng Panginoon sa aking mga maling gawain, bibigyang-pansin ko ito, ako ay makikinig at magsisisi.”

Pagtuklas

  1. Anong kautusan ang binigay ng Panginoon sa Kanyang bayan/mga tao sa pamamagitan ni Zacarias?
  2. Ano ang pangako ng Panginoon kung gagawin nila iyon?
  3. Sinabi ng Panginoon, kaninong ehemplo ang hindi nila dapat tularan? Ano ang kanilang ginawa?

Pag-unawa

  1. Anong nangyari sa mga ninuno na hindi pinansin o hindi pinakinggan ang Panginoon? Anong babala ang ipinahiwatig sa verses 5-6?
  2. Sa palagay ninyo, bakit kaya kahit may kamangha-manghang pangako ng presensya ng Diyos, nagrerebelde pa rin ang mga tao sa Kanya at patuloy sila sa masamang pamumuhay?
  3. Makikita natin sa passage at sa kabuuan ng Bibliya na madalas ang panawagan ng Panginoon sa Kanyang mga tao na magsisi at bumalik sa Kanya. Sa palagay ninyo, bakit kaya? Ano ang inihahayag nito tungkol sa atin at kay Hesus?

Pagtugon

  1. Gumagamit ang Panginoon ng Bibliya, mga pangyayari, o kaya ay ng ibang tao para tayo ay sawayin. Kadalasan ito ay hindi kasiya-siya, o masakit na karanasan. Baka matukso tayo nang husto na sisihin ang iba kung hindi tayo makikinig (halimbawa: masyadong mabagsik o masyadong mabait ang taong sumasaway) – ngunit lagi tayong pananagutin ng Diyos sa sarili nating mga kasalanan, hindi ang taong sumasaway. Paano natin malilinang ang tamang saloobin sa pagtugon sa pagsaway ng Diyos gaya ng gusto Niya na gawin natin?
  2. Nananawagan ba ang Diyos sa iyo na bumalik ka sa Kanya? Binibigyang-pansin mo ba talaga? Mag-isip na mabuti at ibahagi ang mga pagkaunawa o napagtanto.
  3. Paano ka makakatulong sa kapwa mo Kristiyano na nangangailangan ng pagsaway?