Take Home Principle:
“As a believer, I will devote my life to God’s Word by reading, studying, applying and obeying what God teaches in it.”
Discovery Question
- Who was Ezra as revealed in his genealogy in v. 1—6? What made him special? What was the significance of him being a descendant of Aaron?
- Ezra’s group was the 2nd group of exile that returned to Jerusalem from Babylon after the dedication of the ‘Temple under King Darius in 586 B.C. He led a group of immigrants 58 years later. Who was the reigning king at that time and how did the king respond with favor for his request to return? (vv.6-8)
- What preparations did he have to do for his return (vv.6- 10)?
Understanding Questions
- Why did Ezra have to ask King Artaxerxes if he could return?
- What could have motivated Ezra to return to his land? What situation could you envision at this time with the people in Jerusalem after almost 60 years of dedicating the temple?
- How did Ezra leverage on his knowledge, skill and probably high position and influence in the kingdom of King Artaxerxes to help his people back in Jerusalem? How did that make him effective in God’s kingdom?
Application Questions
- How can you demonstrate dedication to studying and following God’s word in your daily life, similar to Ezra’s dedication?
- What practical ways do you plan to do to be better equipped to reach out and share the Gospel with non-believers, to minister to others and be of used to your Master? How can you use your skill, training, Bible-knowledge and spiritual gifting in ministering to people around you including your family, friends and your community?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Bilang isang mananampalataya, iaalay ko ang aking buhay sa pagbabasa, pag-aaral, paglalapat at pagsunod sa mga itinuturo ng Diyos sa Kanyang Salita.”
Pagtuklas
- Sino si Ezra sa angkan o lipi na ipinahayag sa v. 1-6? Ano ang espesyal sa kanya? Ano ang kahalagahan ng kanyang pagiging kasama sa angkan o-lahi ni Aaron?
- Ang pangkat ni Ezra ay ang pangalawang pangkat ng mga Israelita na bumalik sa Israel mula sa Babilonia pagkatapos ng dedikasyon ng Templo sa ilalim ng paghahari ni Haring Darius noong 586 BC. Pinangunahan niya ang mga nagbalik-bayang Israelita pagkatapos ng 58 taon. Sino na ang hari sa panahong iyon at ano ang naging tugon ng haring ito sa paki-usap ni Ezra sa pagbabalik-bayan nilang ito? (v. 6-8)
- Anong mga preparasyon ang isinagawa ni Ezra sa kanyang pagbabalik? (v.6-10)
Pag-unawa
- Bakit kailangan ni Ezra na humingi ng permiso sa kanyang pagbabalik sa Israel?
- Ano kaya ang motibasyon ni Ezra sa kanyang pagbabalik-bayan? Ano sa palagay mo ang kalagayan ng mga taga Jerusalem sa panahong iyon 60 taon pagkalipas ng dedikasyon ng Templo?
- Paano pinakinabangan ni Ezra ang kanyang kaalaman, abilidad at maaaring mataas na posisyon at impluwensiya sa kaharian ni Haring Artaxerxes upang matulungan ang kanyang mga kababayan sa Jerusalem? Paano siya naging kapaki-pakinabang sa Kaharian ng Diyos?
- Bakit mahalaga kay Ezra na saliksikin ang Kautusan ng Diyos?
Pagtugon
- Paano mo maipakikita ang iyong dedikasyon sa pag-aaral at pagsunod sa salita ng Diyos sa iyong araw-araw na pamumuhay, tulad ng dedikasyon na ipinakita ni Ezra?
- Anong mga praktikal na bagay ang maaari mong gawin upang lalo ka pang maging handa sa pag-abot at pagbabahagi ng ebanghelyo sa mga di pa mananampalataya, sa paglilingkod sa iba at upang maging kagamit-gamit ka sa iyong Panginoon?
Paano mo magagamit ang iyong abilidad, pagsasanay, kaalaman sa Biblia at kaloob ng Espiritu-Santo sa paglilingkod sa mga tao na nasa iyong kapaligiran kasama na ang iyong pamilya, mga kaibigan at sa komunidad?