Take Home Principle:
“I will seek to serve in the ministry that God calls me to.”
Discovery Question
- Who and how many returning exiles did Ezra mobilize to travel from Babylon back to Israel? (vv.1-14)
- What did Ezra do when he discovered that there were no Levites traveling back with them? (vv.15-17
- How many Levites and temple servants were added to Ezra’s returning company? (vv.18-20)
Understanding Questions
- What was Ezra’s real challenge in this particular passage?
- Why do you think there were no Levites who responded to Ezra’s initial call?
- What do you think contributed to the success of Ezra’s effort to recruit Levites and temple servants to go with them?
Application Questions
- God convicts the hearts of His people to be willing to serve. Ask the Holy Spirit to guide you why you are unable to serve in the way God wants you to.
- Do you see yourself in a leadership role, like Ezra? How would you encourage others to join you in the work God has entrusted you?
If you are not called to lead, where do you think God is calling you to take part or be involved in to serve in His work? - God’s work requires workers as well as leaders. Pray that God would raise up, from among KBCFers, qualified men and women to serve in leadership positions as well as more “temple servants” who will be willing to respond to do God’s work.
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Sisikapin kong maglingkod kung saan ako tinawag ng Diyos.”
Pagtuklas
- Sino-sino at ilang exiles ang hinikayat ni Ezra na maglakbay mula sa Babilonya pabalik sa Israel? (vv.1-14)
- Ano ang ginawa ni Ezra nang matuklasan niyang wala silang kasamang Levita sa kanilang pagbabalik-lakbay? (vv.15-17)
- Ilang Levita at mga lingkod ng templo ang idinagdag sa grupo ni Ezra na nagbabalik-lakbay? (vv.18-20)
Pag-unawa
- Ano ang tunay na hamon ang kinakaharap ni Ezra sa partikular na talatang ito?
- Sa iyong palagay, bakit walang mga Levita na tumugon sa unang paanyaya o tawag ni Ezra?
- Ano kaya ang dahilan kung bakit naging matagumpay ang pangalawang pagtatangka ni Ezra na manghikayat ng mga Levita at mga tagapaglingkod ng templo na sumama sa kanila?
Pagtugon
- Inu-udyok ng Diyos ang puso ng kanyang mga tagasunod na maging handang maglingkod. Hilingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka kung bakit hindi mo magawang maglingkod sa paraang na nais ng Diyos para sa iyo.
- Nakikita mo ba ang sarili mo sa isang leadership role, tulad ni Ezra? Paano mo mahihikayat ang iba na samahan ka sa gawaing ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos?
Kung hindi ka tinawag upang mamuno, sa palagay mo, saan ka tinatawag ng Diyos upang makibahagi o maglilingkod sa Kanyang gawain? - Ang gawain ng Diyos ay nangangailangan ng mga manggagawa gayundin ng mga leaders. Manalangin sa Diyos na mag-raise up Siya mula sa mga taga-KBCF, ng mga kuwalipikadong lalaki at babae upang maglingkod bilang leader at mga “temple servants” na handang tumugon sa pinapagawa ng Diyos.