Take Home Principle:
“I will be discerning and intentional as I pray for fellow believers in Christ.”
Discovery Questions
- What lessons about God and prayer can we learn from apostle Paul’s intercession for the believers in Ephesus?
a. about God
b. what do we need to pray for
c. how God works through us and for us
Understanding Questions
- Paul starts verses 1 and 14 of Chapter 3 with the phrase “for this reason…” What was Paul’s reason why he could come to God and pray for the believers in Ephesus?
- Verse 14 describes the manner by which Paul prayed, “…I kneel before the Father.” Why is kneeling an important gesture for Israel, Jesus and his disciples, and the first century Christians?
- Look closely at verse 20. How does this change your attitude towards prayer knowing that you have full access to God’s unlimited spiritual resources?
Application Questions
- While the posture of our heart is more important than the position of our bodies, our heart’s attitude often yearns to express it in physical ways. When was the last time you literally knelt down to pray? Is the practice of this discipline still necessary today?
- How does Paul’s prayer challenge the manner in which you pray? Assess what you usually pray for your fellow believers, and then compare with Paul’s prayer items in the passage. Identify the similarities and differences.
- What specific things can you now pray for your family, especially those in the household of faith, in the light of what we have discussed about the passage thus far?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Sisikapinkongumintindi (pumansin) at sadyain (magkusa) sapananalangin ko para sakapwa ko mananampalataya kay Kristo.”
Pagtuklas
- Anong mga aral ang matututunan natin mula sa panalangin ni apostol Pablo para sa mga mananampalataya sa Efeso
a. tungkol sa Diyos
b. laman ng ating panalangin
c. paano kumikilos ang Diyos sa ating buhay
Pag-unawa
- Sinimulan ni Pablo ang talata (v.1, 14) sa pariralang “sa kadahilanang ito…” Ano ang dahilan ni Pablo kung bakit siya maaaring lumapit sa Diyos at manalangin para sa mga mananampalataya ng Efeso?
- Inilalarawan ng talata 14 ang paraan ng pananalangin ni Pablo, “…Lumuhod ako sa harapan ng Ama.” Bakit mahalaga ang pagluhod para sa Israelita, kay Hesus at sa kanyang mga alagad, at sa mga Kristiyano noong unang siglo?
- Tingnan ng maigi ang talata 20. Paano nito binabago ang iyong saloobin patungkol sa panalangin ngayong alam mong taglay mo ang di-masukat na biyayang espirituwal mula sa Diyos?
Pagtugon
- Bagama’t ang kalagayan ng ating puso ay mas mahalaga kaysa sa posisyon o tindig ng ating katawan, ang puso ay kadalasang nananabik na ipahayag ang nararamdaman sa pisikal na paraan. Kailan ang huling pagkakataon na ikaw ay lumuhod para manalangin? Kailangan pa ba ang ganitong klaseng disiplina o kaugalian ngayon?
- Paano hinahamon ng halimbawa na dasal ni Pablo ang paraan ng iyong pananalangin? Suriin kung ano ang karaniwan mong ipinagdarasal para sa iyong mga kapananampalataya, at ihambing ito sa panalangin ni Pablo. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba.
- Anong partikular na mga bagay ang maaari mong ipanalangin ngayon para sa iyong pamilya, lalo na sa mga nananampalataya, ayon sa tinalakay at pag-aaral natin ngayon?