Bible Challenge: Matthew 28:16-20; 2 Corinthians 5:14-21




Take Home Principle: 

As a holy ambassador of Christ, I will use my resources (time, talents, and treasure) to lead others to Him and disciple them for the furtherance of the gospel.”

Discovery Questions

  1. In 2 Cor 5:18-21, Paul kept mentioning the word “reconciled” or “reconciliation”. The word is commonly used when two people in conflict manage to resolve or settle the conflict, thereby restoring their relationship. Based on the passage, what was it that kept us from God and the reason for the need for reconciliation? How did God reconcile us to himself?
  2. What is our role in God’s ministry of reconciliation (2 Cor 5:20)?
  3. What are we then tasked to do?

Understanding Questions 

  1. What does it mean to be an ambassador of Christ?
  2. What does it mean to “make disciples of all nations”? Are all Christians supposed to be cross-cultural missionaries? If not, how can we carry out this mission?

Application Questions

  1. How are you as an ambassador of Christ? Are you passionate about it, distracted, indifferent, or find yourself dragging your feet on the floor to go through the motions? How do you feel when an opportunity presents itself to share Christ with, or to disciple others?
  2. Have you been using your time, God-given gifts/talents and/or resources to carry out His mission? If not yet, think of concrete steps you can take to do this. If the answer is yes, how can you challenge yourself to be faithful in doing so?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Bilang isang banal na kinatawan ni Kristo, gagamitin ko ang lahat ng mayroon ako (panahon, talino, at kayamanan) para akayin ang iba kay Hesus at gawin silang tagasunod para sa ikasusulong ng ebanghelyo.”

Pagtuklas

  1. Sa 2 Cor. 5:18-21, laging binabanggit ni Pablo ang salitang “mag-kasundo” o “pagkakasundo”. Karaniwang ginagamit ang salita kapag may dalawang taong may alitan ay nagawang ayusin ang kanilang hindi pagkakasundo, sa gayon ay naibabalik ang relasyon o ugnayan. Batay sa teksto, ano ang nagpahiwalay sa atin mula sa Diyos at ang dahilan para kailanganin ang muling pagkakasundo? Paano tayo muling napagkasundo ng Diyos sa Kanya?
  2. Ano ang ating papel/ginagampanan sa gawain ng Diyos na pagkakasundo (2 Cor. 5:20)?
  3. Ano ang itinalaga sa atin na gawin?

Pag-unawa

  1. Ano ang ibig sabihin ng pagiging kinatawan ni Kristo?
  2. Ano ang ibig sabihin ng “gawin ninyong tagasunod Ko ang lahat ng mga bansa”? Lahat ba ng Kristiyano ay dapat maging “cross-cultural missionaries”? Kung hindi, paano natin isasagawa ang misyon?

Pagtugon

  1. Kamusta kayo bilang kinatawan ni Kristo? Kayo ba’y masigasig tungkol dito, nalilibang sa iba, nagwawalang bahala, o napipilitan lang? Anong pakiramdam ninyo kapag may nahaharap sa inyong pagkakataong maibabahagi ninyo si Kristo o makapagdisipulo ng iba?
  2. Ginagamit mo ba ang iyong panahon, mga kaloob at talentong bigay ng Diyos, at anumang mayroon ka upang maisagawa ang misyon Niya? Kung hindi pa, mag-isip ng kongkreto o aktuwal na hakbang na maaari mong sundin upang magawa ito. Kung nagagamit mo na upang gawin ang misyon, paano mo naman hahamunin ang iyong sarili na maging matapat ka sa pagsasagawa nito?