Bible Challenge: 1 Thessalonians 5:1-11




Take Home Principle: 

As the Day of the Lord approaches, I will live a vigilant and disciplined life while encouraging others to do the same.

Discovery Questions

  1. In the passage, Paul expected the believers in Thessalonica to know about the nature of Jesus’ return. How was it described?
  2. What were apostle Paul’s specific instructions to the Thessalonians knowing that Jesus’ second coming will be unexpected?

Understanding Questions 

  1. In verse 6, what does “let us not sleep but let us keep awake and be sober” mean? Does it imply that we should not sleep at all?
  2. Verse 8 gives us a picture of spiritual readiness, a picture of a soldier wearing protective armor. Why is this important?
  3. Why do you think Paul concluded the passage by saying, “Therefore, encourage one another and build each other up?”.

Application Questions

  1. Consider night-shift guards. To stay watchful, they require much concentration and endurance. What will keep them from wandering and getting distracted from their duty? Relate your suggestions in your own personal life of how you can be vigilant and sober while waiting for Christ’s return.
  2. Remaining sober and wearing God’s spiritual armor is important. What are some of the ways you and other believers can do to stay alert, clear headed, firm, grounded, and prevent the fiery arrows of the enemy from hurting you.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Habang papalapit ang Araw ng Panginoon, mamumuhay ako ng may kalistuhan at disiplina habang hinihikayat ang iba na gawin din ito.

Pagtuklas

  1. Ayon sa talata, inaasahan ni Pablo na alam ng mananampalataya sa Tesalonica ang tungkol sa paraan/wani ng pagbabalik ni Jesus. Paano ito inilarawan?
  2. Ano ang mga tagubilin ni apostol Pablo sa mga taga-Tesalonica ngayong alam na nila na babalik si Hesus ng hindi inaasahan?

Pag-unawa

  1. Sa talatang 6, ano ang ibig sabihin ng “huwag tayong maging pabaya katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili”? Nangangahulugan bang hindi tayo dapat matulog?
  2. Ang talatang 8 ay isang larawan ng espirituwal na kahandaan, isang sundalo na nakasuot ng pananggalang baluti. Bakit ito mahalaga?
  3. Sa iyong palagay, bakit nagpasya si Pablo na sabihin ang mga pangwakas na salita “Samakatuwid, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isa’t isa?”

Pagtugon

  1. Ating tingnan ang mga night-shift guards. Upang manatiling mapagbantay, nangangailangan sila ng pokus at katatagan. Ano ang pipigil sa kanila upang hindi lumihis at magambala sa kanilang tungkulin? Ihambing ang iyong mga mungkahi sa sariling mong buhay kung paano ka magiging mapagbantay at hindi lango/lasing habang naghihintay sa pagbabalik ni Kristo.
  2. Ang pananatiling hindi lango/lasing at ang pagsusuot ng espirituwal na baluti ng Diyos ay mahalaga. Ano ang ilan sa mga paraan na magagawa mo, at ng iba pang mananampalataya, upang manatiling alerto, malinaw ang isip, matatag, saligan, at mapigilang matamaan ka ng mga nagniningas na palaso ng kaaway.