Take Home Principle:
“As a child of my Heavenly Father, I will put my faith and trust in Him no matter how desperate the situation is.”
Discovery Question
- In verses 22-23, who was Jairus, and what was his plea to Jesus?
- How did Jesus respond to Jairus’ plea?
- What transpired in Jairus’ house?
- In the story within this story in v. 25-34, how did the woman who has been bleeding for twelve years receive healing from Jesus?
Understanding Questions
- Upon learning the news that Jairus’ daughter is already dead, Jesus told Jairus not to be afraid, and just have faith (v. 36). What kind of faith do you think Jesus wanted Jairus to have at that time?
- Why do you think Jesus kept on looking around to find out who touched His robe, amid the large crowd pressing on to Him?
Application Questions
- If you were Jairus, how would you react if Jesus did not answer your fervent plea to heal your child, or any loved one for that matter, so that they may live?
- If you were the woman healed from that terrible bleeding condition, how would you react to Jesus looking for you, and to the words that He spoke?
- The song, Trust His Heart, tells us that
“God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when we don’t understand
When we don’t see His plan
When we can’t trace His hand, trust His heart.”
How is your faith being tested these days ? Pray as a child would talk to his/her father, and ask God to help you have faith and trust in Him no matter how desperate the situation is.
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Bilang anak ng Diyos, ako ay magtitiwala sa aking Ama sa langit sa lahat ng panahon, maging sa mga desperadong sitwasyon.”
Pagtuklas
- Sa v. 22-23, sino si Jairo, at ano ang kanyang isinumamo kay Hesus?
- Ano ang naging tugon ni Hesus sa pagsusumamo ni Jairo?
- Ano ang nangyari sa bahay ni Jairo?
- Sa kuwento sa gitna ng kuwento ni Jairo, sa v. 25-34, paano nakaranas ng kagalingan mula kay Hesus ang babaeng labindalawang taon nang dinurugo?
Pag-unawa
- Nang marinig ni Hesus ang balita na ang anak ni Jairo ay patay na, sinabi Niya agad kay Jairo na huwag itong matakot at manampalataya lamang (v. 36). Ano sa palagay mo ang klase ng pananampalataya na gusto ni Hesus na magkaroon si Jairo sa oras na iyon?
- Sa iyong palagay, bakit pa hinanap ni Hesus ang taong humipo sa Kanyang damit sa gitna ng napakaraming tao na nakapaligid sa Kanya?
Pagtugon
- Kung ikaw si Jairo, ano ang iyong gagawin kung hindi sinagot ni Hesus ang iyong pagsusumamo na pagalingin ang iyong anak, o kahit sino pang mahal mo sa buhay, at sila ay namatay?
- Kung ikaw ang babaeng pinagaling mula sa mahabang taon ng pagdurugo, ano ang iyong magiging reaksyon sa paghahanap ni Hesus sa iyo, at sa mga salitang Kanyang sinabi?
- Ayon sa kantang Trust His Heart,
“God is too wise to be mistaken
God is too good to be unkind
So when we don’t understand
When we don’t see His plan
When we can’t trace His hand, trust His heart.”
Paano sinusubok ang iyong pananampalataya sa Diyos sa ngayon? Manalangin at kausapin ang Diyos gaya ng pakikipag usap ng isang anak sa kanyang ama. Hilingin na tulungan ka Niya na maging matatag sa iyong pananampalataya sa Kanya sa lahat ng panahon, maging sa mga desperadong sitwasyon.