Bible Challenge: Mark 3: 20-21; 31-35

Take Home Principle: 

“As a member of God’s faith-family, I will earnestly seek to discover and fulfill His will.”

Discovery Question

  1. In v. 20-21, what happened when Jesus entered a house?
  2. In v. 31-32, what did Jesus’ mother and brothers do?
  3. In v. 33-35, how did Jesus respond to this request?

Understanding Questions 

  1. Who is Jesus’ family being referred to in v. 21?
  2. What did Jesus mean by responding with this statement in v. 33-34: “​​Whoever does God’s will is my brother and sister and mother?”
  3. When we sin or fail to do the will of God, does that mean that we are no longer members of Jesus’ spiritual family? Why? What is the response God desires from us when we sin?

Application Questions

  1. Briefly share with your group when and how you were born into Jesus’ faith-family.
  2. We are co-heirs of God with Jesus! What does having a Heavenly Father and Jesus as a brother mean to you?
  3. What does “doing the will of God” mean to you? How are you faring thus far in this area? What challenges have you encountered in doing God’s will? As part of God’s faith-family, pray and ask God to help you do His will.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Bilang bahagi ng pamilya ng pananampalataya, aking hahanapin at tutuparin ang kalooban ng Diyos.”

Pagtuklas

  1. Sa v. 20-21, ano ang nangyari nang pumasok si Jesus sa isang bahay?
  2. Sa v. 31-32, ano ang ginawa ng ina at mga kapatid ni Jesus?
  3. Sa v. 33-35, ano ang tugon ni Jesus sa kahilingang iyon?

Pag-unawa

  1. Sino ang pamilya ni Jesus na tinutukoy sa v. 21?
  2. Ano ang nais sabihin ni Jesus sa Kanyang pahayag sa v. 33-34 – “…ang sinumang gumaganap ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na babae, at ina”?
  3. Kapag tayo ay nagkakasala, tayo ba ay nagiging hindi na kabilang sa pamilya ng pananampalataya ni Jesus? Bakit? Ano ang nais ng Diyos na ating gawin sa tuwing tayo ay hindi tumutupad sa Kanyang kalooban?

Pagtugon

  1. Ibahagi sa iyong grupo kung kailan at paano ka napabilang sa pamilya ng pananampalataya ni Jesus.
  2. Ikaw at si Jesus ay kapwa tagapagmana ng Diyos! Ano ang kahulugan sa iyo na ikaw ay may Amang Nasa Langit at si Jesus ay iyong kapatid?
  3. Paano mo tinutupad ang kalooban ng Diyos? Ano ang mga hamon sa iyong pagsunod sa Kanya? Bilang bahagi ng pamilya ng pananampaltaya, manalangin ka at hingin ang tulong Niya upang magawa mo ang Kanyang kalooban.