Bible Challenge: John 10:1-18




Take Home Principle: 

“As a follower of Jesus, I will keenly listen to His voice and obey Him as my Good Shepherd.”

Discovery Question

  1. According to the passage, who is the shepherd and what does he do with his sheep? (v. 3 – 4a)
  2. How does the sheep respond to the shepherd? (v. 4b-5)
  3. What illustrations of himself did Jesus use to expound the meaning of a caring shepherd to his sheep? (vs. 7,11 & 14)

Understanding Questions 

  1. Why is it important for the sheep to listen to the voice of the shepherd?
  2. In what way does the allegory of the gate and the good shepherd relate to Jesus in caring for his sheep?
  3. How does Jesus’ death relate to the promise in v. 10?

Application Questions

  1. Following Jesus’ example in the passage, in what ways can you show care and concern for your family? In what aspects of your family life can you show this? (e.g. asking how they are or how was their day; helping out in house chores; praying for them; sharing the Word of God- the Gospel, etc.)
  2. Share what your role in your family is. Are you more of a shepherd or a sheep? How can you put into practice being a good sheep? How can you show that you are a good shepherd?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Bilang isang tagasunod ni Jesus, masigasig kong pakikinggan ang Kanyang tinig at susundin Siya bilang aking Mabuting Pastol.

Pagtuklas

  1. Ayon sa talata, sino ang pastol at ano ang kanyang ginagawa sa kanyang mga tupa? (v. 3-4a)
  2. Paano tumutugon ang tupa o mga tupa sa kanilang pastol? (v. 4b-5)
  3. Anong ilustrasyon sa sarili ang ginamit ni Jesus upang ipaliwanag ang kahulugan ng isang mapagkalingang pastol sa kanyang mga tupa? (v. 7, 11 at 14).

Pag-unawa

  1. Bakit mahalaga na makinig ang mga tupa sa tinig ng kanilang pastol?
  2. Sa paanong paraan na ang alegorya ng pintuan at ng mabuting tupa ay may kaugnayan kay Jesus bilang mapagkalingang tupa?
  3. Paano maiuugnay ang pagkamatay ni Jesus sa pangako sa V.10?

Pagtugon

  1. Bilang pagsunod sa halimbawa na ibinigay ni Jesus sa talatang ito, paano mo maipakikita ang iyong pagmamalasakit at pagkalinga sa iyong pamilya? Sa anong bahagi ng buhay pamilya mapakikita mo ito? (Hal. Pagtatanong kung kumusta na sila o anong nangyari sa kanilang buong araw; pagtulong sa mga gawaing bahay; pananalangin para sa kanila; pagbabahagi ng salita ng Diyos o ebanghelyo, atbp.)
  2. Ibahagi ang iyong katungkulan sa pamilya. Ikaw ba ay isang pastol o isang tupa? Paano mo maisasakatuparan ang isang mabuting tupa? Paano mo maisasagawa ang katungkulan mo bilang mabuting pastol?