Bible Challenge: 2 Samuel 12:1-15




Take Home Principle: 

“When the Lord who is just and merciful rebukes me, I will confess my sin, repent, seek His forgiveness, and accept the consequences of my sin..“

Discovery Question

  1. What angered the Lord and prompted the confrontation between King David and Nathan the prophet?
  2. How did King David respond to the story told by Nathan? How did he respond after he was rebuked and what was the result of that?
  3. What punishments did the Lord declare for David?

Understanding Questions 

  1. Why do you think the Lord had Nathan confront David through a story?
  2. Aside from the death of David and Bathsheba’s son, do you think the Lord carried out the rest of his declared punishments?
  3. Why do you think, even after David confessed, did God still carry out his judgments? Don’t you think it should have been David who died and not the child who was innocent? What was his purpose?

Application Questions

  1. Take this moment to think about your own life… is the Lord confronting you, even in the subtlest of ways, of anything that you have done or are doing that displeases Him? Remember that He is a just God that hates sin, but that He is also merciful. Repent and ask the Lord for forgiveness.
  2. Even though we have experienced the Lord’s forgiveness time and time again, there is no denying that there are consequences when we sin. How should we react or respond when God allows us to experience these?
  3. The Lord continues to give us chances to be reconciled to Him despite all our sins. When we are wronged, how can we extend the same grace and mercy to others? Can you think of any recent or ongoing situation where you can apply this?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Kapag ang Panginoon na makatarungan at maawain ay sinaway ako, ikukumpisal ko ang kasalanan ko, magsisisi, hihingi ng Kanyang kapatawaran, at tatanggapin ko ang kahihinatnan ng kasalanan ko.”

Pagtuklas

  1. Ano ang ikinagalit ng Panginoon at nagbunsod sa paghaharap/ konprontasyon sa pagitan nina Haring David at ng propetang si Nathan?
  2. Paano tumugon si Haring David sa kuwento ni Nathan? Paano siya tumugon pagkatapos siyang sawayin at ano ang resulta nito?
  3. Ano-anong parusa ang pinataw ng Panginoon kay David?

Pag-unawa

  1. Sa palagay ninyo, bakit ginamit ng Panginoon si Nathan upang harapin si David sa pamamagitan ng isang kuwento?
  2. Bukod sa pagkamatay ng anak nina David at Bathsheba, palagay nyo ba ay tinupad ng Panginoon ang iba pa Niyang pinataw na parusa?
  3. Sa palagay ninyo, bakit isinagawa pa rin ng Diyos ang Kanyang mga paghatol/parusa kahit umamin/nagkumpisal na si David? Sa palagay ninyo, si David ba dapat ang namatay at hindi ang anak niyang inosente? Ano ang Kanyang layunin?

Pagtugon

  1. Sa pagkakataong ito, isipin ninyo ang tungkol sa sarili ninyong buhay. Ang Panginoon ba ay may hinaharap sa inyo, kahit sa pinaka-banayad na paraan, na kahit ano na inyong nagawa o patuloy na ginagawa na hindi nakalulugod sa Kanya? Alalahaning Siya ay makatarungan na namumuhi sa kasalanan, subalit Siya ay maawain din. Magsisi at hingin ang kapatawaran ng Panginoon.
  2. Kahit paulit-ulit nating natatanggap o nararanasan ang kapatawaran ng Panginoon, hindi maitatanggi na may kahihinatnan kapag tayo ay nagkasala. Paano tayo dapat tutugon kapag hinayaan ng Diyos na maranasan natin ang mga iyon?
  3. Patuloy na nagbibigay ng pagkakataon ang Diyos upang maitugma o mapagkasundo tayo sa Kanya sa kabila ng lahat ng ating mga kasalanan. Kapag tayo ay ginawan ng masama, paano natin maipagkakaloob ang parehong biyaya at awa sa iba? Mayroon bang sitwasyon kamakailan o sa kasalukuyan kung saan maaari mong gawin ito?