Bible Challenge: Genesis 33:1-16




Take Home Principle: 

“I will demonstrate my love and obedience to God by seeking reconciliation and making amends with those I have hurt.”

Discovery Question

  1. What did Jacob do when he saw his estranged brother Esau coming to meet him with his army of 400 men? (vv. 1-3)
  2. How did Esau respond to his brother’s gesture? (v. 4)
  3. Why did Jacob offer flocks and herds to Esau? (vv. 8, 10)
  4. What was Esau’s reaction to Jacob’s offerings to him? (vv. 9, 11)

Understanding Questions 

  1. What was the significance of this encounter between Jacob and Esau? What is the back story between Jacob and Esau prior to this encounter?
  2. What life events might have prepared Jacob for his meeting with his brother again after so many years?
  3. Why do you think Esau’s reaction was positive and warm towards Jacob instead of hostile and unforgiving? They were estranged primarily because of Jacob’s deception that caused Esau’s forfeiture of his birthright.

Application Questions

We can not live holy lives if we do not obey God’s command to love Him and to love others as we love ourselves.

  1. Loving God entails surrendering everything to Him so that His will may be done in our lives. Like Jacob, is there anything that you need to surrender to the Lord so that His will for your life will be reconciled with yours?
  2. Seeking reconciliation with those we have hurt is one way of loving others. Like Jacob, have you done any person wrong? Ask God to give you the grace to seek that person’s forgiveness and be reconciled to them.
  3. Esau showed complete forgiveness to his brother Jacob, who stole his birthright from him. Is there any person you need to forgive, and be reconciled with? Ask God to help you do that, and get to work at it.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Mamahalin at susundin ko ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa mga taong aking nasaktan.”

Pagtuklas

  1. Ano ang ginawa ni Jacob nang matanaw niya na dumarating ang kanyang kapatid na si Esau kasama ang apatnaraan niyang tauhan? (vv. 1-3)
  2. Ano ang naging reaksyon ni Esau sa ginawang iyon ni Jacob? (v. 4-10)
  3. Bakit hinandugan ni Jacob si Esau ng mga kawan? (vv. 8, 10)
  4. Ano ang naging tugon ni Esau tungkol sa mga handog sa kanya ni Jacob ? (vv. 9, 11)

Pag-unawa

  1. Ano ang kahalagahan ng pagkikitang iyon nina Jacob at Esau? Ano ang kwento sa likod nito?
  2. Anong mga kagapanapan sa buhay ni Jacob ang naghanda sa kanya sa pagkikita nilang muli ng kanyang kapatid?
  3. Bakit kaya naging positibo at mainit ang pagtanggap ni Esau kay Jacob at hindi pagalit, sa kabila ng malaking kasalanan na nagawa nito sa kanya?

Pagtugon

Ang ating pagmamahal sa Diyos at sa ating kapwa ang tatak ng pamumuhay ng may kabanalan.

  1. Ang pagmamahal sa Diyos ay nangangahulugan ng pagsuko ng lahat sa ating buhay upang ang Kanyang kalooban ang manaig. Gaya ni Jacob, mayroon ka bang dapat pang isuko sa Panginoon upang ang maging magkasundo ang iyong kalooban sa Kanyang kalooban para sa iyong buhay?
  2. Ang pakikipagkasundo sa mga taong ating nasaktan ay nagpapakita ng ating pagmamahal sa kanila. Gaya ni Jacob, mayroon ka bang taong nasaktan o ginawan ng kasalanan? Manalangin ka ng biyaya mula sa Diyos upang makahingi ka ng tawad sa taong iyon at makipagsundo sa kanila.
  3. Pinatawad ni Esau ang kanyang kapatid na si Jacob, na nagnakaw ng kanyang karapatan bilang panganay na anak na lalaki. Mayroon ka bang dapat patawarin? Manalangin ka at humingi sa Diyos ng tulong upang magawa mo ito, at makipagkasundo sa taong iyon.