Take Home Principle:
“As a forgiven sinner and receiver of God’s gracious love, I will humbly accept other sinners redeemed by grace and welcome them into God’s family.”
Discovery Question
- What did the younger son decide for himself? (v. 11 & 13). What motivated him to do it?
- What brought him back to his senses? What did he decide to do next? (v. 14-16)
- When the prodigal son returned home, what was the attitude of the father? (v. 20, 22-24). What actions did he do to show this?
- When the older brother (who had been good) heard the music and dancing and all the celebration, what was his attitude? (v. (v. 28-30)
Understanding Questions
- Do you think it was wise for the father to give his son his inheritance early even before he dies? What are the pros and cons of doing this?
- Why do you think the father acted the way he did when his prodigal son returned?
- Why do you think the older brother reacted the way he did when he is also supposed to rejoice on the return of his lost brother?
Application Questions
- Who do you identify with in this story? The lost son? the older brother? The father? Why?
- Have you ever had thoughts that you are a “better” Christian than others? Have you ever felt envious of any blessing God has bestowed on other Christians? How can you turn away from these deceptive thoughts, have the right mindset, and respond in a way that is pleasing to God?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Bilang isang makasalanan na tumanggap na ng kapatawaran at ng biyayang pag-ibig ng Diyos, tatanggapin ko ng may kababaan ng loob ang iba ring mga makasalanan na natubos na sapamamagitan ng biyaya at tatanggapin ko sila na kabilang sila sa pamilya ng Diyos.”
Pagtuklas
- Ano ang ginawang desisyon ng bunsong anak para sa sarili? (v. 11 & 13) Ano ang nag-udyok sa kanya na gawin niya ito?
- Ano ang nag-udyok sa kanya na makapag-isip-isip at mapagtanto ang kanyang maling nagawa? Ano ang napagpasiyahan niyang gagawin pagkatapos nito? (v. 14-16)
- Nang makabalik na sa kanila ang palaboy na anak, ano ang naging pagtanggap sa kanya ng kaniyang ama? (v. 20.22-24). Anong mga bagay ang ginawa nito sa kanya?
- Nang umuwi noon ang panganay na anak mula sa bukid at marinig niya ang tugtugan at sayawan at kasayahan at ang dahilan ay ang pagbabalik ng kanyang palaboy na bunsong kapatid, ano ang naging saloobin niya? (v. 28-30)
Pag-unawa
- Sa palagay mo ba ay makatuwiran sa ama na ibigay na niya sa kaniyang anak ang pamana nito bago pa man siya mawala sa mundo? Ano ang kabutihan o kasamaan nito?
- Sa palagay mo, bakit ganoon ang naging saloobin at ginawang pagsalubong ng ama sa bumalik na lagalag na anak?
- Sa palagay mo, bakit di maganda ang naging saloobin at pagsalubong ng matandang kapatid sa kanyang bunsong kapatid at sa halip ay dapat siyang nagsasaya sa pagbabalik ng bunso?
Pagtugon
- Kanino mo na-maihahalintulad ang sarili mo sa parabolang ito? Sa nawawalang anak? Sa panganay na kapatid? Sa ama? Bakit?
- Naisip mo ba minsan na ikaw ay “mas mabuting Krsitiyano” kaysa sa iba? Nainggit o nahili ka ba sa mga biyayang natanggap ng ibang Kristiayano sa Diyos? Paano mo maiiwasan ang kaisipan na ito, magkaroon ng tamang pananaw, at rumisponde ng tama at kalugod-lugod sa Diyos?