Take Home Principle:
“I will pray and make petitions for others based on the character of God.”
Discovery Questions
- When, where, and how old was the prophet Daniel when he invoked this prayer?
- Daniel’s prayer reveals a deep understanding of and a personal relationship with God. From the verses, how did he describe God?
Understanding Questions
- Why do you think Daniel prayed in such a manner? What can we learn and emulate from Daniel’s example?
- Read verses 16-19. Where does Daniel get the confidence to present such a difficult request before God?
Application Questions
- What will it take for you to pray, confess, and intercede on behalf of a reluctant and disobedient group or faith-community that you belong to?
- How can you make your prayer grounded on God’s character and based on the Scriptures?
- Ask the help of the Holy Spirit to come to God in brokenness and humility and intercede on behalf of “your Israel.”
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Ako ay mananalangin para sa iba ayon sa katangian ng Diyos.”
Pagtuklas
- Kailan, saan, at ilang taon si propetang Daniel nang ipinakiusap niya ang dalangin na ito?
- Ang panalangin ni Daniel ay naghahayag ng malalim at personal na ugnayan sa Diyos. Mula sa mga talata, paano niya inilarawan ang Diyos?
Pag-unawa
- Sa iyong palagay, bakit nanalangin si Daniel sa ganitong paraan? Ano ang matututunan at matutularan natin sa halimbawa ni Daniel?
- Basahin ang talatang 16-19. Saan kaya galing ang lakas ng loob ni Daniel upang idulog sa Diyos ang isang mahirap na kahilingan?
Pagtugon
- Ano ang maaari mong gawin para manalangin, magkumpisal, at mamagitan sa ngalan ng isang nag-aatubili at masuwayin na grupo o samahan ng mananampalataya na kinabibilangan mo?
- Paano mo magagawang manalangin na ayon sa katangian ng Diyos at batay sa mga nakasulat sa Biblia?
- Hilingin ang tulong ng Banal na Espiritu sa paglapit sa Diyos nang may pagpapakumbaba at kahit hindi karapat-dapat ay makapamagitan sa ngalan ng “iyong Israel.”