Bible Challenge: 2 Samuel 6:1-11




Take Home Principle: 

“Always mindful of God’s holiness and presence, I will be diligent in seeking and doing His will.”

Discovery Questions

  1. Who transported the Ark of God, and how did they do it? (v. 2-4)
  2. As the Ark of God was being transported, what happened, and what was the consequence? (v.6-7)
  3. How did David react to what happened? What did he do after what unfolded? V. 8-10

Understanding Questions 

  1. Uzzah was trying to protect the ark of God from falling to the ground. Do you think God was overly harsh to Uzzah? Why or why not?
  2. In v. 8-9, why do you think David’s initial reaction was anger then turned into fear? What do David’s actions teach us about seeking to do God’s will?

Application Questions

  1. Despite having experienced God’s protection and provision over the years, David failed at that time to follow instructions and understand the gravity of God’s holiness in his eagerness to bring over the Ark of God. Uzzah, meanwhile, treated as commonplace that which is sacred and lost a sense of awe toward the things of God due to overfamiliarity (the Ark of God being in their home for years). Reflecting on your life now, how do you approach the Lord when seeking His will? Is it relaxed or reverent? Familiar or fearful? Is there a need to change the way you seek the Lord in your life now? Why or why not?
  2. Are there things in your life right now that are preventing you from consistently remembering God’s holiness and being attuned to His will? What steps do you need to take to walk in obedience to God and just like Obed-edom in v. 11 welcome the presence of the living God in your life?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Palaging aalalahanin ang Kabanalan at Presensiya ng Diyos, mananatiling masinop ako sa paghahanap at paggawa ng kanyang Kalooban.”

Pagtuklas

  1. Sinu-sino ang nagdala ng Kaban ng Tipan at paano nila isinagawa ito? (talata 2-4)
  2. Ano ang nangyari habang inilalakbay nila ang Kaban ng Tipan, at ano ang naging kahinatnan nito? (talata 6-7)
  3. Ano ang naging reaksiyon ni David sa nangyari? Ano ang naging pagtugon niya sa gitna ng pangyayari? (talata 8-10)

Pag-unawa

  1. Sinubukang protektahan ni Uza sa pagbagsak sa lupa ang Kaban ng Tipan. Sa iyong palagay, naging sobrang malupit ba si Yahweh sa ginawa Niyang kaparusahan kay Uza? Bakit o bakit hindi?
  2. Sa talata 8-9, bakit sa palagay ninyo na ang naging tugon ni David ay magalit na nauwi sa takot sa Diyos? Ano ang ating matututunan sa naging reaksiyon ni David hinggil sa pagtalima sa paggawa ng kalooban ng Diyos?

Pagtugon

  1. Sa kabila ng mga naranasang proteksiyon at probisyon ng Diyos sa mahabang panahon, nabigo si David na tupdin ang alintuntunin at maintindihan ang kabigatan ng kabanalan ng Diyos sa pagdudmali niyang maibalik agad ang Kaban ng Tipan. Samantalang si Uza ay itinuring na karaniwan ang sagradong Kaban kaakibat na nawalan ng pagkamangha sa mga bagay ng Diyos dahil sa kinaugalian (Ang Kaban ng Tipan ay nasa kaligitnaan nila sa maraming panahon). Suriin ang iyong buhay ngayon, paano ka lalapit sa Diyos upang hanapin ang kanyang kalooban? Panatag ka ba o may paggalang? May pagkatakot o pagka-kampante? Meron bang dapat kang baguhin sa iyong pamamaraan ng pagtuklas at paghahanap sa Diyos sa iyong buhay sa ngayon? Bakit o bakit hindi?
  2. Meron bang mga bagay sa iyong buhay sa ngayon na nag silbing balakid upang tuloy-tuloy na alalahanin ang kabanalan ng Diyos at maging sang-ayon sa kanyang kalooban? Anong hakbang ang iyong gagawin upang lumakad ng may pagsunod sa Diyos kahalintulad ni Obed-Edom sa talata labing isa, ay malugod na tanggapin ang presensiya ng Diyos sa iyong buhay?