Bible Challenge: 1 Juan 2: 3-6; 1 Corinto 11:1; Mga Taga-Efeso 5:1-2




Take Home Principle: 

“As a follower of Jesus, I will live a life of love the way He did.”

Discovery Question

  1. In 1 John 2:3-6, what did the Apostle John say about those who claim that they know God?
  2. In 1 Corinthians 11:1, what was Apostle Paul’s instruction?
  3. In Ephesians 5:1-2, what was the Apostle Paul’s exhortation to the believers?

Understanding Questions 

  1. If we are to imitate and reflect the life of Jesus in our lives, we must first know who He is.  How is Jesus described in the Bible?
  2. Among all the characteristics of Jesus that we can gather from the names given to Him in the Bible, why did the Apostle Paul, in Ephesians 5:1-2, single out love as the one characteristic of Jesus that believers should imitate and reflect in their lives?
  3. Jesus’ death on the cross, done in obedience to His Father’s will, is the ultimate proof of His sacrificial love for mankind.  How else did Jesus show His love in the Scriptures?

Application Questions

  1. Jesus showed His love for God the Father by obeying His will – to die on the cross to save mankind from sin and death.  Like Jesus, do you also obey God’s will for your life?  Share your victories and struggles in this area.
  2. As a follower and imitator of Jesus, how will you live a life of love as He did? Write down specific ways that you can love specific people (e.g., a family member, a neighbor, a tormentor), as Jesus loved us.
  3. Share with your group an instance when you felt God’s love through a fellow believer.  Thank God for that person, and resolve to love others as you were loved by another.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Bilang tagasunod ni Hesus, ako ay mamumuhay ng may pag-ibig, gaya Niya.”

Pagtuklas

  1. Sa 1 Juan 2:3-6, ano ang sabi ni Apostol Juan sa mga tao na nagsasabing kilala nila ang Diyos?
  2. Sa 1 Corinto 11:1, ano ang tagubilin ni Apostol Pablo?
  3. Sa Mga Taga-Efeso 5:1-2, ano ang ipinangaral ni Apostol Pablo sa mga mananampalataya?

Pag-unawa

  1. Kung ating tutularan ang buhay ng Panginoong Hesus, kailangang kilalanin muna natin Siya.  Paano isinalarawan si Hesus sa Biblia?
  2. Sa karamihan ng mga katangian ni Hesus na ating makikita sa mga pangalan na ibinigay sa Kanya sa Biblia, bakit pinili ni Apostol Pablo, sa Mga Taga Efeso 5:1-2, ang pag-ibig bilang ang katangian na dapat tularan kay Hesus ng mga taong nananampalataya sa Kanya?
  3. Ang kamatayan ni Hesus sa krus, bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama, ang pinakadakilang tanda ng kanyang pagmamahal sa sanlibutan.  Paano pa ipinakita ni Hesus ang kanyang pag-ibig sa mga tao, ayon sa Biblia?

Pagtugon

  1. Ipinamalas ng Panginoong Hesus ang kanyang pag-ibig sa Diyos Ama sa pamamagitan ng pagsunod sa kalooban Nito – na siya ay mamatay sa krus upang iligtas ang tao mula sa kasalanan at kamatayan. Katulad ni Hesus, sinusunod mo rin ba ang kalooban ng Diyos sa iyong buhay?  Ibahagi mo sa iyong grupo ang iyong mga karanasan tungkol dito.
  2. Bilang tagasunod ni Hesus, paano ka mamumuhay sa pag-ibig tulad Niya?  Isulat kung paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa mga tao (hal., sa iyong ka-pamilya/kamag-anak, sa kapit-bahay, sa kaaway), katulad ng pagmamahal sa iyo ni Hesus.
  3. Ibahagi sa iyong grupo ang isang karanasan na naramdaman mo ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng isang kapatiran.  Pasalamatan mo ang Diyos para sa taong iyon, at magpakita ka rin ng pagmamahal sa iba.