Take Home Principle:
“I will be careful not to let my relationships, career and other personal priorities overshadow my relationship with God.”
Discovery Question
- What advice did Jesus give the host regarding whom to invite when throwing a luncheon or a banquet, and what was his rationale (v.12-14)?
- In the story Jesus shared, those who were originally invited to the banquet did not come. What were some of the reasons given?
- Who eventually ended up feasting in his house (vs. 21-23)?
Understanding Questions
- Jesus oftentimes uses parables to convey what the Kingdom of God is like. What metaphors are in this parable of the Great Banquet? Who are the key players in the story referring to?
- What modern equivalents can you cite for the excuses in Jesus’ Parable? Aren’t these excuses valid?
- In the parable, why do you think the master was angered when he received word that those he invited won’t be coming and the excuses they gave? Weren’t these excuses valid? What point was Jesus trying to drive with this parable?
Application Questions
- Can you identify areas in your life where some concerns are overshadowing spiritual growth? How can you show that you prioritize the Kingdom of God?
- How can you avoid taking for granted the blessings we have as children of God, becoming indifferent, or having the sense of entitlement?
- It has been said that “being with God” is better than “doing for God”. Assess the balance between your daily walk with God and your ministry. How do you fare? What can you do to improve?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Akoy magiingat na hindi hayaan ang aking mga relasyon, career, at iba pang personal na prayoridad na masapawan ang aking relasyon sa Diyos.”
Pagtuklas
- Anong payo ang ibinigay ni Jesus sa host tungkol sa kung sino ang dapat imbitahin kapag naghahanda o nagpapakain, at ano ang kanyang dahilan (v.12-14)?
- Sa kuwento na ibinahagi ni Jesus, ang mga orihinal na inimbitahan sa handa ay hindi dumating. Ano ang ilang mga dahilan na ibinigay?
- Sino ang nagdiwang sa kanyang bahay sa huli (vs. 21-23)?
Pag-unawa
- Madalas gumamit si Hesus ng mga parabula para maibahagi ang tungkol sa Kaharian ng Diyos. Anong mga metapora ang makikita sa parabulang ito? Sino ang mga tinutukoy na pangunahing tauhan sa kuwento?
- Anong mga modernong katumbas ang maaring mo bang banggitin para sa mga dahilan sa parabula ni Jesus? Hindi ba makatuwirang mga dahilan ito?
- Sa parabula, bakit kaya galit ang amo nang matanggap niya ang balita na hindi darating ang mga inimbitahan niya at ang mga dahilan na kanilang binigay? Hindi ba valid ang mga dahilan? Anong punto ang gustong iparating ni Hesus sa parabulang ito?
Pagtugon
- Maari mo bang tukuyin ang mga bahagi ng iyong buhay kung saan ang ilang mga alalahanin ay masnabibigyang halaga kaysa sa espiritwal na paglago? Paano mo maipapakita na inuuna mo ang Kaharian ng Diyos?
- Paano maiiwasang balewalain ang mga biyayang meron tayo bilang mga anak ng Diyos, hindi maging walang malasakit, o magkaruon ng pakiramdam na sobrang may karapatan (sense of entitlement)?
- May kasabihan na “ang pagiging kasama ang Diyos” ay mas maganda o mabuti kaysa sa “ang paggawa para sa Diyos.” Kumusta ang balanse sa pagitan ng iyong araw-araw na pakikipaglakad sa Diyos at sa iyong ministry? Ano ang pwede mong gawin para mapabuti?