Take Home Principle:
“As a believer, I will worship God in Spirit and in truth and strive to know and do His will.”
Discovery Question
- What was one difference between the Jews and the Samaritans when it came to worshipping? (v. 20)
- How did Jesus describe a true worshipper? (vv. 23-24)
- What was Jesus’ response when His disciples asked Him to eat? (v.34)
Understanding Questions
- What was the significance of Jesus talking to the Samaritan woman? Why were the disciples surprised when they saw Jesus talking with her?
- What does it mean to worship God in Spirit and in truth?
- How did “doing the will of him who sent me and to finish his work” serve as Jesus’ food?
Application Questions
- How do you worship the Lord, in your own words? Can you say that you are worshipping Him in Spirit and in truth? How can you improve in this area?
- Can you think of a “Samaritan person” in your community you would like to share the gospel with? What do you think would be a good starting point?
- How important is seeking God’s will and obeying it in your life? Are you always conscious of seeking and doing God’s will? How can you make this an integral part of your daily life, that it will be as regular as eating food?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Bilang isang mananampalataya, sasambahin ko ang Diyos sa Espiritu at sa katotohanan, at sisikapin kong alamin at gawin ang Kanyang kalooban.”
Pagtuklas
- Ano ang isang pagkakaiba sa pagitan ng mga Hudyo at mga Samaritano pagdating sa pagsamba? (v.20)
- Paano inilarawan ni Hesus ang isang tunay na mananamba o sumasamba? (vv. 23-24)
- Ano ang tugon ni Hesus nang pinapakain Siya ng mga disipulo Niya? (v.34)
Pag-unawa
- Ano ang kahalagahan ng pakikipag-usap ni Hesus sa Samaritana? Bakit nagulat ang mga disipulo nang makita nilang nakikipag-usap si Hesus sa Samaritana?
- Ano ang ibig sabihin ng sambahin ang Diyos sa Espiritu at sa katotohanan?
- Paanong nagsilbing pagkain ni Hesus ang “gawin ang kalooban Niya na siyang nagpadala sa Akin at tapusin ang Kanyang gawain”?
Pagtugon
- Sa inyong sariling mga salita, paano ninyo sinasamba ang Panginoon? Masasabi niyo bang sinasamba niyo Siya sa Espiritu at sa katotohanan? Paano niyo mapapabuti ito?
- May naiisip ba kayong isang “Samaritanong” tao na gusto niyong bahaginan ng Ebanghelyo? Ano sa palagay niyo ang mabuting simula?
- Gaano kahalaga sa ating buhay ang pag-alam sa kalooban ng Diyos at pagsunod dito? Lagi mo bang sadyang inaalam at sinusunod ang kalooban ng Diyos? Paano mo gagawing kinakailangang parte ito ng iyong buhay, na magiging regular tulad ng pagkain nang araw-araw?