Take Home Principle:
“As a follower of Christ, I will share with others who He is to me, through the power of the Holy Spirit.”
Discovery Question
- What was the disciples’ initial reaction upon seeing Jesus and what made them react that way?
- What did Jesus do to ease their mind and convince them that he was who he said he was?
- What role did Jesus say the disciples would play in God’s plan and what specific instructions were given to help them succeed?
Understanding Questions
- Even though Jesus had been telling the disciples before about the prophecies regarding himself, why do you think they didn’t understand it, and they were caught by surprise?
- What does it mean to be a witness? Why were the disciples qualified to be a witness for Jesus?
- Why is it so important to rely on the enabling power of the Holy Spirit when witnessing? If we know who Jesus is, can we not simply go out and share who He is with others on our own?
Application Questions
- As followers of Jesus, we are called to tell others about who He is. Who is Jesus to you? How have you experienced Him in your life?
- What are some of the difficulties or hindrances for you in sharing Jesus to others? What can you do about these?
- How can you become a good witness for Jesus?
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Bilang tagasunod ni Kristo, ibabahagi ko sa iba kung sino Siya para sa akin, sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.”
Pagtuklas
- Ano ang unang reaksyon ng mga disipulo pagkakita nila kay Hesus at anong dahilan ng ganung reaksyon nila?
- Anong ginawa ni Hesus para pumayapa ang isip nila at makumbinsi sila na Siya nga ito kung sino daw Siya?
- Anong papel ang sinabi ni Hesus na gagampanan ng mga disipulo sa plano ng Diyos at anong tinukoy na instruksyon ang binigay para makatulong sa kanilang ikatatagumpay?
Pag-unawa
- Kahit nasabi na dati ni Hesus sa mga disipulo ang tungkol sa propesiya sa Kanya, bakit kaya hindi nila naunawaan ito, at nagulat pa rin sila?
- Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang saksi? Bakit kwalipikado ang mga disipulo na maging saksi para kay Hesus?
- Bakit napakahalaga na umasa sa pangunguna at kapangyarihan ng Banal na Espiritu kapag nagpapatotoo? Kung alam natin kung sino si Hesus, hindi ba pwedeng basta humayo tayo at magpatotoo sa iba ng kung sino Siya nang sa sarili lang natin?
Pagtugon
- Bilang tagasunod ni Hesus, tayo ay tinawag para ipagsabi sa iba kung sino Siya. Sino si Hesus para sa iyo? Paano mo Siya naranasan sa buhay mo?
- Ano ang mga hadlang o mahirap sa iyo para maibahagi mo si Hesus sa iba? Ano ang maaari mong gawin tungkol dito?
- Paano ka magiging mabuting saksi o patotoo para kay Hesus?