Bible Challenge: John 8: 31-38




Take Home Principle: 

“As a true disciple of Jesus, I will remain faithful to obey His teachings and live free from the slavery of sin.”

Discovery Question

  1. Who was Jesus talking to in the passage and what was He telling them (vv. 31-32)?
  2. What was the response of the Jewish believers to what Jesus said (v. 33)?
  3. How did Jesus react to this apparent inability of the Jewish believers to understand the freedom that He was talking about (vv. 34-36)?

Understanding Questions 

  1. Jesus said in v. 32 that “You will know the truth, and the truth will set you free.”  What is the truth that will set the believers free from the slavery of sin?
  2. In v. 37, Jesus said that some of the descendants of Abraham are trying to kill him because they have no room in their hearts for His message. What does this imply?

Application Questions

  1. Following Jesus entails not only calling Him Lord, but surrendering and allowing Him to be the Lord of our lives.  True followers obey Him and His teachings in the Bible. Are you a professing Christian, or a practicing Christian?  Share your answer to your group.
  2. The Scripture text that we discussed today warns us about man-made teachings that we might be consciously or unconsciously obeying as God’s commands.  How do you check and make sure that you are following the truth and not man-made lies?
  3. What specific teachings of Jesus have corrected you and freed you from sin in your life?  Take time to share and encourage one another in your group.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Bilang isang tunay na alagad ni Hesus, ako ay mananatiling tapat sa pagsunod sa Kanyang mga katuruan upang mamuhay nang malaya sa pagka-alipin ng kasalanan.”

Pagtuklas

  1. Sino-sino ang mga kausap ni Hesus sa talata at ano ang sinasabi Niya sa kanila (vv. 31-32)?
  2. Ano ang tugon ng mga kausap ni Hesus sa Kanyang sinabi  (v. 33)?
  3. Ano ang naging reaksyon ni Hesus sa tugon ng mga Hudyong ito?

Pag-unawa

  1. Sinabi ni Hesus sa v. 32 na, “Makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.”  Ano ang katotohanan na makapagpapalaya sa mga mananampalataya mula sa pagka-alipin ng kasalanan?
  2. Sa v. 37, sinabi ni Hesus na may mga taong galing sa lahi Abraham na pinagsisikapan siyang patayin. Ano ang ibig sabihin nito?

Pagtugon

  1. Ang pagsunod kay Hesus ay nangangahulugan nang hindi lamang ng pagtawag sa Kanya ng “Panginoon,” kundi nang pagsuko ng ating buhay sa Kanyang paghahari. Ang mga tunay na mananampalataya ni Hesus ay sumusunod sa Kanyang mga katuruan sa Bibliya.  Ikaw ba ay isang tunay na  Kristiyano o nagpapanggap lamang? Ibahagi ang iyong sagot sa iyong mga ka-grupo.
  2. Ang talatang ating pinag-aralan ay nagbigay ng babala tungkol sa mga katuruan ng tao na maari nating sinusunod bilang mga kautusan ng Diyos, sinasadya man natin ito o hindi.  Paano mo sinisiguro na ikaw ay sumusunod sa katotohanan at hindi sa mga kasinungalingan ng tao?
  3. Ano-ano ang mga katuruan ni Hesus na nagbalik sa iyo sa tamang landas at nagpalaya sa iyo mula sa kasalanan sa iyong buhay?  Ibahagi ito sa iyong mga ka-grupo upang makatulong din ito sa kanila.