Bible Challenge: 2 Corinthians 4:1-11

Take Home Principle: 

“In the midst of suffering, will not lose heart and continue to follow Christ,  while encouraging my brothers and sisters to do the same.”

Discovery Question

  1. What is Paul’s advice to the Corintian believers in verse 1?
  2. How are believers exhorted to live? (v.2)
  3. What is Paul saying about the gospel message that they should preach?

Understanding Questions 

  1. Are we less of a christian/ follower of Christ if we “lose heart”?
  2. Why does God allow Christians to experience pressure,  hardships, and oppression?
  3. What does it mean for us to be “alive and always being given to death for Jesus sake” (v.11)?

Application Questions

  1. What does it mean for us to be “alive and always being given to death for Jesus sake” (v.11)?
  2. How can you encourage your co-believer not to “lose heart”? Can you remember an instance when you are able to share a brother’s burden? Claim 1 Peter 4:12-16 and pray this for a brother/sister who may be struggling and suffering today.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Sa gitna ng pagdurusa, hindi ako panghihinaan ng loob at patuloy na susunod kay Kristo habang hinihikayat ang aking mga kapatid na gawin din ito.”

Pagtuklas

  1. Ano ang payo ni Pablo sa mga mananampalataya sa Corinto sa talata 1?
  2. Paano hinihikayat ang mga mananampalataya na mamuhay? (v.2)
  3. Ano ang layunin ni Hesus sa pagpunta dito sa mundo?

Pag-unawa

  1. Tayo ba ay mababang klase ng Kristiyano/tagasunod ni Kristo kung tayo ay “pinanghihinaan/nawalan ng puso”?
  2. Bakit hinahayaan/pinahihintulutan ng Diyos na maranasan ng mga Kristiyano ang panggigipit, kahirapan, at paniniil?
  3. Ano ang ibig sabihin ng tayo ay “buhay at laging ibinibigay sa kamatayan alang-alang kay Jesus” (v.11)?

Pagtugon

  1. Ikaw ba ay komportable o isang nagdurusang mananampalataya? Bilang isang tagasunod ni Kristo, paano mo maisasakatuparan ang Colosas 1:28 at 29 na nagsasabing “Ipinapahayag namin siya, na pinapayuhan at tinuturuan ang lahat ng may buong karunungan, upang maiharap namin ang lahat na sakdal kay Kristo. Sa layuning ito ako ay gumagawa, nagpupunyagi sa lahat ng lakas, na napakalakas na gumagana sa akin.”
  2. Paano mo mahihikayat ang iyong kapwa mananampalataya na huwag “mawalan o panghinaan ng puso”? Naaalala mo ba ang isang pagkakataon na nagawa mong maging kabahagi ng pasanin ng isang kapatid? Angkinin ang 1 Pedro 4:12-16 at ipanalangin ito para sa isang kapatid na maaaring nahihirapan at naghihirap ngayon.