Bible Challenge: Acts 11:19-30

Take Home Principle: 

“As a member of KBCF, I will support my church community by helping the brethren who are in need physically and spiritually.”

Discovery Question

  1. What happened to the believers in Jerusalem during the persecution after Stephen’s death, which was recorded in Acts 6:8-15; 7?
  2. What did the church at Jerusalem do when they heard about what had happened in Antioch (vv. 22-26)?
  3. What did the believers in Antioch do when Agabus the prophet predicted by the Spirit that a great famine was coming upon the entire Roman world (vv. 27-30)?
  4. What can we learn from Barnabas about what the church-community can do to disciple leaders who can help the church grow?

Understanding Questions 

  1. Why did some believers preach God’s Word to the Jews only, while others preached to the Gentiles (non-Jews) as well?
  2. It is clear from the text that the two churches in Jerusalem and Antioch extended help to each other.  One church sent manpower/personnel to address spiritual needs, and the other material goods to address physical needs.  What insights can you get from their example?

Application Questions

  1. As followers of Jesus, we are to “share each other’s burdens, and in this way obey the law of Christ” (Galatians 6:2).  The members of our church-community in KBCF bear different burdens.
    a. Can you share any instance when you were able to help a fellow KBCFer?
    b. Were there times when you weren’t able to extend help to other KBCFers? What were the circumstances then? What could you have done differently?
  2. Acts 11:19-30 mentioned the Lord’s hand with the believers (v.21), evidence of the grace of God (v.23), Barnabas being full of the Holy Spirit and faith (v.24), and Agabus predicting the great famine through the Spirit (v.28).  The intentional mention of God’s Spirit working is an integral component of the disciples and the church’s response.
    a. How does the Holy Spirit’s work in your life empower you to share the physical burdens of the brethren in KBCF?
    b. How does the Holy Spirit’s work in your life empower you to share the spiritual/discipleship needs of the brethren in KBCF?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Bilang isang miyembro ng KBCF, susuportahan ko ang iglesia sa pamamagitan ng pagtulong sa  mga kapatirang may mga pisikal at ispiritwal na pangangailangan.

Pagtuklas

  1. Ano ang nangyari sa mga mananampalataya sa Jerusalem noong sila ay inusig pagkatapos ng pagpatay kay Esteban, na nakasulat sa Mga Gawa 6:8-15; 7?
  2. Ano ang ginawa ng iglesia na nasa Jerusalem nang malaman nila ang mga pangyayaring ito sa Antioquia (vv. 22-26)?
  3. Ano ang ginawa ng mga mananampalataya sa Antioquia nang ipinahayag ng propetang Agabo sa pamamagitan ng Espiritu na magkakaroon ng malaking taggutom sa buong sanlibutan (vv. 27-30)?
  4. Ano ang halimbawang ipinakita ni Bernabe tungkol sa pagtuturo sa mga tao upang maging alagad ng Diyos at makatulong sa paglago ng iglesia?

Pag-unawa

  1. May mga mananampalataya na nangaral ng Salita ng DIyos sa mga Judio lamang, at mayroon namang nagpahayag din sa mga Hentil (mga hindi Judio)?  Bakit kaya?
  2. Malinaw na nakasulat sa teksto na ang dalawang iglesia sa Jerusalem at sa Antioquia ay nagtulungan.  Ang isang iglesia ay nagpadala ng tao (si Barnabas) upang tugunan ang pangangailangang ispiritwal ng mga kapatiran; at ang isa naman ay nagpadala ng materyal na tulong para sa mga pangangailangang pisikal dulot ng taggutom.  Ano ang maaari nating mabatid sa kanilang ipinakitang halimbawa?

Pagtugon

  1. Bilang mga tagasunod ng Panginoong Jesus, tayo ay pinangaralan ni Apostol Pablo na,  ‘Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.  Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo’ (Mga Taga Galacia 6:2).  Ang ating kapatiran sa KBCF ay may mga iba’t-ibang pangangailangan.
    a. Maaari mo bang ibahagi ang mga pagkakataon na ikaw ay nakapagbigay ng tulong sa mga kapatiran sa KBCF?
    b. May mga pagkakataon ba na hindi ka nakapagbigay ng tulong?  Ano ang dahilan?  Ano ang maaari mo sanang ginawa?
  2. Nabanggit sa Mga Gawa 11: 19-30 ang kumpas ng Banal na Espiritu sa ginawang pagtulong ng mga alagad at ng iglesia sa mga pangangailangang pisikal at ispiritwal ng mga kapatiran.
    a. Paano ka binibigyan ng kakayanan ng Banal na Espiritu upang makatulong sa pangangailangang pisikal ng mga kapatiran sa KBCF?
    b. Paano ka binibigyan ng kakayanan ng Banal na Espiritu upang makatulong sa pangangailangang ispiritwal ng mga kapatiran sa KBCF?