Bible Challenge: 1 Thessalonians 2:7-12

Take Home Principle: 

“I will nurture and encourage other believers, just like a mother and a father cares for their children.”

Discovery Question

  1. Paul used two instructive analogies to describe himself and his fellow apostles (Silas and Timotheus) in doing the ministry. What are these images?
  2. What characteristics do these images reflect?

Understanding Questions 

  1. Why did Paul choose to use the analogy of being a mother and father in verses 7 to 12 in taking care of the believers in Thessalonica? What are its implications to our church ministry today?
  2. What would the Church be like if we DON’T emulate the traits of a nurturing mother and that of an encouraging father?
  3. Paul clearly values the role of mothers and fathers in the church. What specific examples can we imitate from mothers in the scriptures?

Application Questions

  1. Who are your spiritual fathers and mothers? Share with your group how they nurtured you to grow in your faith.
  2. Are you now a spiritual “parent”? Share with your group what your parenting experience is like–your joys and your pains.
  3. If you are not yet a spiritual parent (or discipling others), pray for a person you can care for in the church.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Aalagaan ko at hikayatin ang ibang mga mananampalataya, tulad ng pag-aalaga ng ina at ama sa kanilang mga anak.”

Pagtuklas

  1. Gumamit si Pablo ng dalawang larawan upang ihambing ang kanyang sarili at ang kanyang mga kapwa apostol (Silas at Timoteo) sa pagsasagawa ng ministeryo. Ano ang mga larawang ito?
  2. Anong mga katangian ang sinasalamin ng mga larawang ito?

Pag-unawa

  1. Bakit pinili ni Pablo na gamitin ang pagkakatulad ng pagiging isang ina at ama  bilang paraan ng  pangangalaga sa mga mananampalataya sa Tesalonica? Ano ang mga implikasyon nito sa ating ministeryo sa simbahan ngayon?
  2. Ano kaya ang magiging anyo ng  Simbahan kung HINDI natin tutularan ang mga katangian ng isang ina na nag-aaruga at ng isang ama na nagpapatibay ng loob?
  3. Malinaw na pinahahalagahan ni Pablo ang tungkulin ng mga ina at ama sa simbahan. Anong mga halimbawa ang maaari nating tularan mula sa mga ina sa mga banal na kasulatan?

Pagtugon

  1. Sino ang iyong mga espirituwal na ama at ina? Ibahagi sa iyong grupo kung paano ka nila inalagaan para lumago ang iyong pananampalataya.
  2. Isa ka na bang espirituwal na “magulang”? Ibahagi sa iyong grupo kung ano ang karanasan ng iyong pagiging magulang–ang iyong mga kagalakan at iyong mga pasakit.
  3. Kung hindi ka pa isang espirituwal na magulang (nag aaruga/nagpapalago ng iba), ipagdasal mo ang isang taong maaari mong alagaan sa simbahan.