Take Home Principle:
“I will allow the Word of God to transform my family and my church, beginning with me, by confessing my sins, willfully altering my faulty ways, and affirming my commitment to Him.”
Discovery Question
- What were the Israelites doing in this chapter?
- How did the people of Israel pray and confess their sin as a nation? Notice their recurring problematic pattern as a nation.
Understanding Questions
- Why does confession and repentance follow or flow out of the extended reading of God’s Word? Why is this important?
- Why do you think God continues to forgive and deliver His people despite their stubborn and rebellious attitude? Do they deserve forgiveness because they are God’s chosen people?
- Why was it important for Israel to repent from the sins of the past – the sin of their kings, princes, priests, prophets, fathers, and all people?
Application Questions
- How many times in your life have you failed or rebelled against God but experienced His forgiveness, mercy and grace? How did these situations (1) help you know God more? (2) reveal who you are?
- Read this chapter like looking in the mirror describing the propensity of our heart. Like Israel, we are prone to disobey God when we encounter hardships, thinking we are better off before we come to know Him. In spite of God’s repeated and abundant compassion for us, we choose to love and follow the things of the world rather than be satisfied with knowing and being close to Him. Come to God and confess to Him your sin. Ask for God’s forgiveness, cleansing and deliverance.
- Reflect on any past sins that your predecessors committed that you need to confess and ask for forgiveness. Spend time to list them down and like what Israel did, make it as specific as possible and remember how God has remained merciful, faithful, and just to you and your family.
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
”Hahayaan ko ang Salita ng Diyos na baguhin ang aking pamilya at ang aking simbahan, simula sa akin, sa pamamagitan ng pagtatapat ng aking mga kasalanan, kusang-loob na pagbabago sa aking mga maling ginagawa, at pagpapatibay sa aking pangako sa Kanya.”
Pagtuklas
- Ano ang ginagawa ng mga Israelita sa kabanatang ito?
- Paano nanalangin at nagpahayag ng kasalanan ang mga tao sa Israel bilang isang bansa? Pansinin ang kanilang paulit-ulit na dilema at ugali bilang isang bansa.
Pag-unawa
- Bakit sumusunod o dumadaloy ang pagtatapat at pagsisisi sa pinalawig na pagbabasa ng Salita ng Diyos? Bakit ito mahalaga?
- Sa iyong palagay, bakit patuloy na pinapatawad at inililigtas ng Diyos ang Kanyang mga tao sa kabila ng katigasan ng ulo at mapaghimagsik? Karapat-dapat ba sila ng kapatawaran dahil sila’y hinirang ng Diyos?
- Bakit mahalaga para sa Israel na magsisi mula sa mga kasalanan ng nakaraan – mga kasalanan ng kanilang mga hari, prinsipe, pari, propeta, ninuno, at lahat ng tao?
Pagtugon
- Ilang beses ka na ba nagkasala o nagrerebelde sa Diyos ngunit naranasan mo pagpapatawad, awa at biyaya Niya? Paano ito nakakatulong upang (1) makilala mo ang Diyos ng lubusan? (2) ihayag ang tunay mong katauhan?
- Basahin ang kabanatang ito tulad ng pagtingin sa salamin na hayagang pinapakita ang likas na laman ng ating puso. Tulad ng Israel, may posibilidad tayong sumuway sa Diyos kapag nahihirapan at iniisip na mas mabuti ang ating kalagayan bago natin Siya makilala. Sa kabila ng paulit-ulit at saganang habag ng Diyos sa atin, pinipili nating mahalin at sundin ang mundo kaysa makuntento sa pagkakilala at pagiging malapit sa Kanya. Lumapit sa Diyos at ipagtapat sa Kanya ang iyong kasalanan. Humingi ng kapatawaran, paglilinis at pagpapalaya sa Diyos.
- Pagnilayan, aminin, at humingi ng kapatawaran sa anumang mga nakaraang kasalanan na nagawa ng iyong mga ninuno. Gumugol ng oras upang ilista ang mga ito at tulad ng ginawa ng Israel, gawin itong specific at alalahanin kung paano nanatiling maawain, tapat, at makatarungan ang Diyos sa iyo at sa iyong pamilya.