Bible Challenge: Ezra 2:1-70

Take Home Principle: 

“As one of God’s chosen people, I will respond to His faithfulness in my commitment to worship, serve, and give towards His work.”

Discovery Question

  1. Who were the Jewish exiles who returned to Judah and who were their leaders (vv. 1-63)?  Where did they settle at (v. 70)?
  2. What were some of the challenges faced by those returning to Jerusalem, as mentioned in vv. 64-65?
  3. What did the returnees do when they arrived at the Temple of the LORD in Jerusalem (vv. 68-69)?

Understanding Questions 

  1. Who are God’s chosen people?
  2. How does God show His faithfulness to His chosen people? How can this be true for the Israelites when He allowed them to be conquered and exiled to other lands?
  3. What was the significance of giving a sizable amount toward the rebuilding of the Temple as one of the first things the various heads of households did upon arriving in Jerusalem? (vv.68-69)

Application Questions

  1. Are you one of the chosen people of God? 
  2. Are you experiencing and submitting to God’s faithful discipline in your life?  Share your story so that others may learn from it.
  3. How is your commitment to worship, serve, and give to God?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

” Bilang isa sa mga piniling tao ng Diyos, tutugon ako sa Kanyang katapatan sa pamamagitan ng pagsamba, paglilingkod, at pagbibigay tungo sa Kanyang gawain.”

Pagtuklas

  1. Sino ang mga Judiong bihag na bumalik sa Juda at sino ang kanilang mga pinuno (mga talata 1-63)?  Saan sila nanirahan (t. 70)?
  2. Ano ang ilan sa mga hamong kinaharap ng mga bumalik sa Jerusalem, ayon sa mga talata 64-65?
  3. Ano ang ginawa ng mga nagbalik nang dumating sila sa Templo ng Panginoon sa Jerusalem (mga talata 68-69)?

Pag-unawa 

  1. Sino ang mga taong pinili ng Diyos?
  2. Paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang katapatan sa Kanyang mga piniling tao? Paano ito mangyayari sa mga Israelita samantalang pinayagan Niya silang masakop at ipatapon sa ibang lupain?
  3. Sa mga talata 68-69, isa sa mga unang bagay na ginawa ng iba’t ibang pinuno ng sambahayan nang makarating sa Jerusalem ay ang pagbibigay ng malaking halaga para sa muling pagtatayo ng Templo.  Ano ang kahalagahan nito?

Pagtugon

  1. Isa ka ba sa mga piniling tao ng Diyos? 
  2. Nararanasan at nagpapasakop ka ba sa tapat na disiplina ng Diyos sa iyong buhay?  Ibahagi ang iyong kuwento upang ang iba ay matuto mula dito.
  3. Kumusta ang iyong pangako na sambahin at paglingkuran ang Diyos, at magbigay sa Kanyang gawain?