No comments yet

Bible Challenge: Ezra 4:1-24

Take Home Principle: 

“I will faithfully carry out what God wants me to do even in the face of opposition, knowing He is in control and His plans will always succeed.”

Discovery Question

  1. What was the initial reaction of the enemies of Judah and Benjamin when they heard that the Israelites were building a temple for God? How did the Israelites respond?
  2. Describe the different forms of opposition experienced by the Israelites that came after.
  3. Did the enemies succeed in their efforts to stop the work?

Understanding Questions 

  1. Could these people (the enemies of Judah and Benjamin) have been genuine at the beginning, when they seemingly wanted to help? If not, what could have been their real intention?
  2. How were the Israelites able to respond the way they did and were not deceived? What lessons can we draw from the experience of the Israelites when their adversaries offered help, appearing supportive initially, but later on turning against them?
  3. Why do you think God allows his people to experience opposition in their daily Christian walk and when doing the Lord’s work?

Application Questions

  1. How then should we, as Christians, react or respond to opposition in a manner that upholds integrity and demonstrates trust in God’s sovereignty? How can we be better prepared (for opposition)?
  2. Recall any opposition you encountered, or currently facing, as you obeyed the Lord, or while doing His work. How were you able, or how do you plan to overcome it?
  3. How can you encourage and support others who are facing opposition or setbacks in their endeavors, drawing from the example of the Jews in Ezra’s time?

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Matapat kong isasagawa ang kalooban ng Diyos  kahit na sa harap ng oposisyon, sapagkat alam kong Siya ang may kontrol at ang Kanyang mga plano ay laging magtatagumpay.”

Pagtuklas

  1. Ano ang unang reaksyon ng mga kaaway ng Juda at Benjamin nang marinig nilang itinatayo ng mga Israelita ang isang templo para sa Diyos? Paano tumugon ang mga Israelita?
  2. Ilarawan ang iba’t ibang anyo ng pagtutol na naranasan ng mga Israelita na sumunod sa pagtatayo ng templo.
  3. Nagtagumpay ba ang mga kaaway sa kanilang pagsisikap na pigilan ang trabaho?

Pag-unawa 

  1. Maaari kaya na talaga namang nais nilang (mga kaaway ng Juda at Benjamin) tumulong? Kung hindi, ano kaya ang tunay nilang intensyon?
  2. Paano nakatugon ang mga Israelita sa mga panlilinlang sa kanila at hindi sila naloloko? Anong mga aral ang maaari nating mapulot mula sa karanasan ng mga Israelita noong inalok sila ng kanilang mga kaaway ng tulong, na tila gustong tumulong sa simula, ngunit sa huli ay hindi pala?
  3. Sa tingin mo, bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos na maranasan ng kanyang mga tao ang pagtutol sa kanilang araw-araw na pagsunod bilang mga Kristiyano at sa paggawa ng gawain ng Panginoon?

Pagtugon

  1. Paano dapat tayong mga Kristiyano tumugon sa pagtutol, sa paraang nagtataguyod ng integridad at nagpapakita ng tiwala sa pagka-soberanya ng Diyos? Paano tayo maging mas handa (sa pagtutol)?
  2. Balikan ang anumang pagtutol na iyong naranasan, o kasalukuyang kinakaharap, habang sumusunod ka sa Panginoon, o habang ginagawa ang Kanyang gawain. Paano mo napagtagumpayan, o paano mo plano na malampasan ito?
  3. Paano ka magiging isang tagapagtayo o tagabuo para sa Diyos sa mga ministeryo ng ating iglesia ng naaayon sa pagtawag sa iyo at sa iyong kakayahan sa paglilingkod sa Kanya?

Post a comment