Bible Challenge: Ezra 5:1-17

Take Home Principle: 

“I will persevere in  seeking  the Lord’s guidance and obeying Him fully, believing that His plans will always be fulfilled. ”

Discovery Question

  1. What are the names of  those who were used by God to continue the rebuilding of God’s temple in Jerusalem?
  2. How did the government officials initially react when they observed that work on the temple resumed?
  3. When the work still continued, what did the government officials do next?

Understanding Questions 

  1. What could have been the Israelites’ reaction when they received guidance from God to continue rebuilding the temple? What motivated them to obey, even after discouraging events in the past, and persevere faithfully even in the face of intimidation/opposition? Ezra 5:1-17
  2. What is the difference between this scenario and the one in the previous chapter in the way the letters were penned?
  3. In the Old Testament, the people of God had prophets to guide them on what God wants them to do. How do we receive guidance and encouragement from the Lord today?

Application Questions

  1.  Are you still going strong in your walk with Jesus and serving him? Have you taken a pause, even to some degree, and never really got back to serving him the best that you can? If so, what can you do to get back on track in doing the work of the Lord faithfully? How can you encourage others to do the same?
  2. How can you guard against cynicism, remain attentive to the Lord’s guidance, and follow him—even if circumstances aren’t favorable, or if you’ve previously been disappointed or failed?
   

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Lagi kong hahanapin and gabay/patnubay ng Panginoon at susundin Siya ng ganap, dahil alam kong ang kanyang plano ay parating matutupad.”

Pagtuklas

  1. Ano ang mga pangalan ng mga taong ginamit ng Diyos upang ipagpatuloy ang pagtatayo ng templo ng Diyos sa Jerusalem?
  2. Ano ang pangunahing reaction ng mga opisyal ng pamahalaan nang napansin nila ang muling pagtrabaho sa templo?
  3. Nang patuloy pa rin ang trabaho, ano ang sunod na ginawa ng mga opisyal ng pamahalaan?

Pag-unawa 

  1. Ano kaya ang reaksyon ng mga Israelita nang matanggap nila ang gabay mula sa Diyos na ipagpatuloy ang pagtatayo ng templo? Ano ang nag-udyok sa kanila na sumunod,( kahit na may mga nangyari noon na nakakadismaya) at magpatuloy ng tapat kahit na may mga nananakot at tumututol?
  2. Ano ang pagkakaiba ng sitwasyong ito (Ezra 5) at sa nangyari sa naunang kabanata(Ezra 4:7-24) sa paraan ng pagpapahayag ng mga sulat?
  3. Sa Lumang Tipan, may mga propeta ng Diyos ang nag-uudyok sa mga tao kung ano ang nais ng Diyos sa kanila. Paano tayo nakakatanggap ng gabay at encouragement mula sa Panginoon ngayon?

Pagtugon

  1. Malakas ka pa rin ba sa iyong paglalakad kasama si Jesus at sa paglilingkod sa Kanya? Ikaw ba ay nahinto at di na nakabalik sa paglilingkod sa Kanya nang lubusan, katulad ng dati? Kung gayon, ano ang maaari mong gawin upang makabalik sa tamang landas ng tapat na paglilingkod sa Panginoon? Paano mo maaaring maengganyo ang iba na gawin din ito?
  2. Paano mo maiiwasan ang pagiging mapang-uyam, bagkus ay manatiling nakikinig sa gabay ng Panginoon, at sumusunod sa Kaniya—kahit pa ang mga pangyayari ay hindi maayos at ikaw ay dati nang nabigo?