Bible Challenge: Ezra 7:11-28

Take Home Principle: 

“I will study, obey and share His Word, so that my life will bring glory to His name.”

Discovery Question

  1. Who was Ezra and how was he described in v. 11?
  2. In verses 12-26, what were the instructions of King Artaxerxes to Ezra and to all the treasurers in the province west of the Euphrates River?
  3. What was Ezra’s response to the support he received? (vv. 27-28)

Understanding Questions 

  1. Ezra was described as “a teacher of the Law, a man learned in matters concerning the commands and decrees of the LORD for Israel”. What does this mean, and how did he gain favor with the King?
  2. What can we learn about God in verse 26 on disobedience to the Law?
  3. Why is it so important to praise God and acknowledge God’s blessings in our lives?

Application Questions

  1. One of the things Ezra was tasked to do was to share God’s law to others. As Christians, it is also our duty to study the Word and likewise teach what we know about Christ to others.
    a. How would you describe your Bible study time? How do you think you can still improve it?
    b.  Do you find it easy to share the Gospel? If yes, what best practice can you share with your group? If not, what are your challenges and how can you overcome these?
  2. Following the example of Ezra, we should be mindful that our successes and blessings in life come from God, and that we should give Him the glory. Are you consistent in giving praise to God every time you receive a blessing? How do you usually do it?
   

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Aking aaralin, susundin, at ibabahagi ang Kanyang Salita upang ang buhay ko ay makapagbigay kaluwalhatian sa Kanyang  pangalan.

Pagtuklas

  1. Sino si Ezra at paano siya inilarawan sa verse 11?
  2. Sa verses 12-26, anu-ano ang mga tagubilin ni Haring Artaxerxes kay Ezra at sa lahat ng mga ingat-yaman sa probinsya sa Kanluran ng Ilog Euphrates?
  3. Ano ang naging tugon ni Ezra sa natanggap niyang suporta? (vv. 27-28)

Pag-unawa 

  1. Inilarawan si Ezra bilang “isang guro ng Kautusan o Batas, lalaking maalam sa mga bagay patungkol sa mga utos ng Panginoon para sa Israel.” Anong kahulugan nito at paano niya nakuha ang pabor mula sa hari?
  2. Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos sa verse 26 sa pagsuway sa Kautusan o Batas?
  3. Bakit napakahalaga ang purihin ang Diyos at kilalanin ang mga pagpapala Niya sa ating buhay?

Pagtugon

  1. Isa sa mga bagay na inatas na gawin ni Ezra ay ang magbahagi ng Kautusan ng Diyos sa iba. Bilang mga Kristiyano, tungkulin din natin na aralin ang Salita upang maituro natin sa iba ang nalaman natin tungkol kay Kristo.
    a. Paano mo mailalarawan ang oras ng pag-aaral mo ng Bibliya? Sa palagay mo, paano mo pa ito mapapabuti?
    b. Madali mo bang naibabahagi ang Ebanghelyo? Kung oo, anong pinakamahusay na kasanayan ang maaari mong ibahagi sa grupo mo? Kung hindi, ano ang mga hamon mo at paano mo malalampasan ang mga ito?
  2. Sa pagsunod sa halimbawa ni Ezra, dapat nating alalahanin na ang mga tagumpay at biyaya natin sa buhay ay mula sa Diyos, at dapat nating ibigay sa Kanya ang kaluwalhatian. Palagi ka bang nagbibigay papuri o hindi ba nagbabago ang pagbigay mo ng papuri sa Diyos sa tuwing nakakatanggap ka ng pagpapala? Paano mo ito karaniwang ginagawa?