Bible Challenge: Ezra 9:1-15

Take Home Principle: 

“I will humbly confess, turn away from my sins and live to follow Jesus while helping others to do the same.”

Discovery Question

  1. What news did the leader bring to Ezra?
  2. How did Ezra react to the news?
  3. What did Ezra pray for?

Understanding Questions 

  1. Why did the leader’s report to Ezra cause him to be astonished and distressed, and why did he deem it important to expose sin?  Why did some of the people also become frightened?
  2. Why is racial intermarriage a big concern for God’s people? Is this still true today?
  3. Why do you think Ezra was driven to intercede for the people?  Who do you think intercedes for us today?

Application Questions

  1. How can we confess our sins and have true repentance knowing that “The heart is deceitful above all things and beyond cure. Who can understand it? Jeremiah 17:9‎ (KJV)
  2. As followers of Jesus, we are called to expose sin and turn away from it. Read Ephesians 4:25 and Matthew  7:1-5, 18:15-20. Is there a difference in correcting a sinning brother and a sinning unbeliever?
  3.  How can you be intentional about guarding your faith and avoid falling away and living in sin?
   

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Mapagpakumbaba akong manungumpisal, tatalikod sa aking mga kasalanan, at mabubuhay upang sumunod kay Jesus habang tinutulungan ang iba na gawin din yaon.”

Pagtuklas

  1. Anong balita ang dinala ng pinuno kay Ezra?
  2. Ano ang naging reaksyon ni Ezra sa balita?
  3. Ano ang ipinagdasal ni Ezra?

Pag-unawa 

  1. Bakit naging sanhi ng kanyang pagkamangha at pagkabalisa ang pag-uulat ng pinuno kay Ezra, at bakit niya itinuring na mahalagang ilantad ang kasalanan?  Bakit ang ilan sa mga tao ay natakot din?
  2. Bakit ang pag-aasawa ng ibang lahi ay isang malaking alalahanin para sa mga tao ng Diyos? Totoo pa ba ito ngayon?
  3. Sa iyong palagay, bakit hinimok si Ezra na mamagitan para sa mga tao?  Sino sa palagay mo ang namamagitan para sa atin ngayon?

Pagtugon

  1.  Paano natin ikukumpisal ang ating mga kasalanan at magkaroon ng tunay na pagsisisi gayong alam natin na “Ang puso ay magdaraya ng higit sa lahat ng mga bagay at hindi na mapagaling. Sino ang nakakaintindi nito? ‎Jeremias 17:9(KJV)
  2. Bilang mga tagasunod ni Jesus, tinawag tayong ilantad ang kasalanan at talikuran ito. Basahin ang Efeso 4:25 at Mateo 7:1-5, 18:15-20. Mayroon bang pagkakaiba sa pagtutuwid sa isang nagkakasalang kapatid at isang nagkasalang hindi mananampalataya?
  3. Paano mo maaaring intensyonal na ingatan ang iyong pananampalataya at maiwasan ang pamumuhay sa kasalanan?