Bible Challenge: Ephesians 4:25-32




Take Home Principle: 

“I will live a righteous and holy life that is in accord with my new life in Jesus Christ and not with my old, sinful nature.”

Discovery Questions

  1. The Apostle Paul admonished God’s people in Ephesus about certain behaviors and attitudes that characterize their old, sinful nature, not befitting their new life as children of God. What are these?
  2. What did Apostle Paul exhort them to do instead as renewed people in
  3. Christ?

Understanding Questions 

  1. How may we grieve God’s Holy Spirit?
  2. What happens to us if we continue to “wear” our sinful nature and grieve the Holy Spirit by the way that we live?
  3. Why do you think is it important for us to live transformed lives?

Application Questions

  1. Describe your old self and your old life, and your new self in the new way of life that you learned from Jesus Christ. Praise God for how He is changing you through the Holy Spirit to become more and more Christ-like.
  2. Are you in a state of backsliding and spiritual coldness? Our daily struggle with our sinful nature is real. What steps do/can you take daily to help you throw off your sinful nature and live a righteous and holy life?

Challenge

Memorize 2 Corinthians 5:17 – “This means that anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun!” (NLT); and Galatians 2:20 – “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God who loved me and gave Himself for me” (NIV). Declare these verses whenever you are being tempted to go back to your old self and revert to your old way of life.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Ako ay mamumuhay nang matuwid at may kabanalan, ayon sa bagong buhay na ibinigay sa akin ng Panginoong Hesukristo, at hindi ayon sa aking likas na makasalanang sarili.”

Pagtuklas

  1. Pinaalalahanan ni Apostol Pablo ang mga mananampalataya sa Efeso tungkol sa kanilang mga pag-uugali na hindi naaayon sa bagong buhay nila bilang mga anak ng Diyos. Anu-ano ang mga ito?
  2. Anu-ano ang mga hinimok ni Apostol Pablo na kanilang gawin bilang mga taong binago na ni Kristo?

Pag-unawa

  1. Paano natin sinasaktan ang kalooban ng Banal na Espiritu?
  2. Ano ang mangyayari sa atin kung patuloy tayong mamumuhay ayon sa ating likas na makasalanang sarili at patuloy nating sinasaktan ang kalooban ng Banal na Espiritu?
  3. Sa iyong palagay, bakit mahalaga na tayo ay mamuhay nang matuwid at may kabanalan, na hindi katulad ng ating dating makasalanang pamumuhay?

Pagtugon

  1. Ilarawan mo ang iyong lumang sarili at lumang pamumuhay, at ang iyong bagong sarili sa bagong pamumuhay na iyong natutunan kay Hesukristo. Purihin mo ang Diyos sa mga magandang pagbabago sa iyong ugali at pamumuhay sa tulong ng Banal na Espiritu.
  2. Ikaw ba ay nanlalamig sa iyong buhay espiritwal, at nanunumbalik sa iyong dating pamumuhay? Ang ating pakikibaka sa ating likas na makasalanang sarili ay tunay at hindi biro. Anu-ano ang iyong ginagawa/magagawa araw-araw upang mapagtagumpayan ang pakikibakang ito at makapamuhay nang matuwid at banal?

Hamon

Kabisaduhin ang 2 Taga-Corinto 5:17 – “Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang; ang mga dating bagay ay nagsilipas na; narito, sila’y pawang naging mga bago.” at ang Galacia 2:20 – “Kaya hindi na ako nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At ang buhay ko ngayon sa katawan ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na nagmahal sa akin at naghandog ng kanyang sarili para sa akin.” Ipahayag mo ang mga Banal na kasulatan na ito sa tuwing ikaw ay natutuksong bumalik sa iyong dating makasalanang pamumuhay.