Take Home Principle:
“I will love God’s word by consistently spending time with Him daily in meditation and prayer.”
Discovery Question
- How did the psalmist refer to God’s word?
- How did the psalmist use and respond to God’s word?
- What are the upshots of God’s word on the psalmist?
- In vs. 145-147, what was the psalmist praying for and how did he pray?
Understanding Questions
- The psalmist expressed his love of God’s word, considering it “sweet to his taste.” Aside from the benefits cited in the passage, what do you think is the importance of being immersed in God’s word and in prayer?
- In vv. 98-100, the Psalmist suggests that he has gained wisdom and understanding from God’s commands. How does meditating on God’s precepts lead to greater wisdom?
- In vv.102-103, the Psalmist expresses that he refrains from evil and hates falsehood. How does a deep understanding of God’s Word influence our discernment between right and wrong?
- The prayer of the psalmist in verses 145-152 expresses confidence in God’s response in his promises (v. 152, 147, 152), and we should do the same. How can we be confident? What should our confidence be based on?
Application Questions
- How do you cultivate a deep love and reverence for God’s word? Do you consciously and regularly spend time with him? What does meditating on God’s word mean to you?
- Prayer is one indicator of your intimacy with God. Share some examples on how you deepen your prayer life. How can you further cultivate a habit of communing with God through prayer?
- List down three major hindrances that prevent you from having a consistent and regular time with God. Seek a partner and ask help for suggestions on how you can successfully overcome such hindrances.
Mahalagang Prinsipyo sa Buhay:
“Mamahalin ko ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng araw-araw at patuloy na paggugol ng oras sa Kanya, sa pagninilay at panalangin.”
Pagtuklas
- Paano tinukoy ng salmista ang salita ng Diyos?
- Paano ginamit at tumugon ang salmista sa salita ng Diyos?
- Ano ang mga bunga ng salita ng Diyos sa salmista?
- Sa vs. 145-147, ano ang ipinagdarasal ng salmista at paano siya nanalangin?
Pag-unawa
- Ipinahayag ng salmista ang kaniyang pag-ibig sa salita ng Diyos, anupat itinuturing itong “matamis sa kaniyang panlasa.” Bukod sa mga pakinabang na binanggit sa talata, ano sa palagay mo ang kahalagahan ng pagiging lubog sa salita ng Diyos at sa panalangin?
- Sa vv. 98-100, iminumungkahi ng Salmista na nakakuha siya ng karunungan at pang-unawa mula sa mga utos ng Diyos. Paano humahantong sa higit na karunungan ang pagbubulay-bulay sa mga utos ng Diyos?
- Sa vv.102-103, ipinahayag ng Salmista na siya ay umiiwas sa kasamaan at napopoot sa kasinungalingan. Paano naimpluwensyahan ng malalim na pagkaunawa sa Salita ng Diyos ang ating pagkaunawa sa pagitan ng tama at mali?
- Ang panalangin ng salmista sa mga bersikulo 145-152 ay nagpapahayag ng pagtitiwala sa tugon ng Diyos sa kanyang mga pangako (v. 152, 147, 152), at dapat din nating gawin ang gayon. Paano tayo magiging kumpiyansa? Ano ang dapat na batayan ng ating pagtitiwala?
Pagtugon
- Paano mo lilinangin ang isang malalim na pagmamahal at paggalang sa salita ng Diyos? Sadya mo bang pinaguukulan ng oras ang Panginoon? Ano ang ibig sabihin sa iyo ng pagbubulay-bulay sa salita ng Diyos?
- Ang panalangin ay nagsasalarawan ng iyong lapit sa Diyos. Magbahagi ng ilang halimbawa kung paano mo pinalalalim ang iyong buhay panalangin. Paano mo pa malilinang ang isang ugali ng pakikipag-usap sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin?
- Ilista ang tatlong pangunahing hadlang na pumipigil sa iyo na magkaroon ng patuloy at regular na oras sa Diyos. Humanap ng kapareha at humingi ng tulong para sa mga mungkahi kung paano mo mapagtatagumpayan at malalampasan ang gayong mga hadlang.