Bible Challenge: Romans 12:1-2




Take Home Principle: 

“I will offer my body as a living sacrifice, holy and pleasing to God, as my act of worship to Him who is Holy.”

Discovery Questions

  1. What is true worship, according to Paul, and why are we urged to do this, as stated in v. 1?
  2. What lifestyle should we adapt to replace our being conformed into the world’s pattern? (v. 2)
  3. What would be the result of having a transformed mind? (v. 2b)

Understanding Questions 

  1. What does it mean to “offer our bodies” as a living sacrifice? What does this allude to in relation to our position in Christ at present? (Cross Ref.: Rom. 6:4)
  2. How is this spiritual act of worship demonstrated?
  3. How does a transformed mind influence our living in the will of God? (v. 2 & Cross Ref.: 2 Cor. 3:18)

Application Questions

  1. Share some of the practical habits you do in your spiritual life so that you grow spiritually and morally being transformed from glory to glory.
  2. How then will you offer your body as a living sacrifice, holy and pleasing to God, in everyday life? Give practical, real life examples and/or experiences you have had or steps you plan to do.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

Iaalay ko ang aking sarili bilang isang handog na buhay, banal at kalugud-lugod sa Diyos, bilang aking pagsamba sa Kanya na banal.

Pagtuklas

  1. Ano ang tunay o karapat-dapat na pagsamba, ayon kay Pablo, at bakit siya nakikiusap na gawin natin ito? (v.1)
  2. Anong uri ng pamumuhay ang dapat nating isagawa kapalit ng pakiki-ayon natin sa takbo ng mundong ito? (v. 2)
  3. Ano ang magiging bunga ng may panibagong pag-iisip? (v.2b)

Pag-unawa

  1. Ano ang ibig sabihin ng “ialay ninyo ang inyong sarili” bilang isang handog na buhay? Ano ang ipinahihiwatig na kaugnayan nito sa ating posisyon kay Kristo sa ngayon? (Cross Ref. Rom 6:4)
  2. Paano ipinamamalas ang pagsambang ito?
  3. Paano na ang isang binagong pag-iisip ay may impluwensiya sa ating pamumuhay ng naaayon sa kalooban ng Diyos? (v. 2 & Cross Ref.: 2 Cor. 3:18).

Pagtugon

  1. Mangyari lamang na magbahagi ng ilang praktikal na kagawian sa iyong spiritual na buhay na nagpapalago at nagbabago sa inyong buhay mula sa isang antas ng kaluwalhatian at sa sunod pa.
  2. Paano mo iaalay ang iyong buhay bilang isang buhay, banal at kalugud-lugod na alay sa Diyos? Magbigay ng ilang mga praktkal, tunay na pangyayari o mga karanasan mo o mga naiisip mong gawin sa mga darating na panahon.