Bible Challenge: 1 Peter 4:12-14; Philippians 3:9-10




Take Home Principle: 

“I will embrace suffering and be thankful when I experience hardships as I follow Christ.”

Discovery Question

  1. What does Peter say about “participating in the sufferings of Christ?” (1 Peter 4:12-14)
  2. What kind of righteousness did Paul desire or aspire for in Philippians 3:10?
  3. In Philippians 3;10, Paul expressed that he wants to know Christ. In what sense?

Understanding Questions 

  1. Peter in chapter 4 verse 12 says we are to expect suffering. Why does a good, loving and caring God allow suffering?
  2. How can a person welcome/ embrace a destructive,painful, and hurtful  experience like suffering?
  3. How can you reconcile living the abundant life (John 10:10) with living through and enduring sufferings as we follow Christ?

Application Questions

  1. Have you experienced suffering and hardships because of your faith in Christ? How did you respond? Did you grow in your faith as a result? What was your takeaway from the experience?
  2. We are not strangers to suffering. How can we apply 1 Peter 4:12-14 in our present situation?
  3. How do we retain the hope we need to persevere through difficult circumstances? Claim John 16:33 for yourself or your brother/ sister undergoing suffering.

Mahalagang Prinsipyo sa Buhay: 

“Yayakapin ko ang pagdurusa at magpapasalamat kapag nakararanas ako ng mga paghihirap habang sinusunod ko si Kristo.”

Pagtuklas

  1. Ano ang sinabi ni Pedro tungkol sa “pakikibahagi sa mga pagdurusa ni Kristo?” ( 1 Pedro 4:12-14 )
  2. Anong uri ng katwiran ang ninanais o hinangad ni Pablo sa Filipos 3:10?
  3. Sa Filipos 3;10, ipinahayag ni Pablo na gusto niyang makilala si Kristo. Sa anong kahulugan?

Pag-unawa

  1. Sinabi ni Pedro sa kabanata 4 bersikulo 12 na dapat nating asahan ang pagdurusa. Bakit pinahihintulutan ng isang mabuti, mapagmahal at mapagmalasakit na Diyos ang pagdurusa?
  2. Paano maaaring tanggapin o yakapin ng isang tao ang isang mapanira, nakasusugat, at nakasasakit na karanasan tulad ng pagdurusa?
  3. Paano mo maipapaliwanag ang pagkakaugnay ng pamumuhay ng masaganang  buhay (Juan 10:10) sa pamumuhay at pagtitiis sa mga pagdurusa habang sinusunod natin si Kristo?

Pagtugon

  1. Nakaranas ka na ba ng pagdurusa at paghihirap dahil sa iyong pananampalataya kay Kristo? Paano ka tumugon? Lumago ka ba sa iyong pananampalataya dahil sa pagdurusa? Ano ang iyong natutunan mula sa iyong mga karanasan?
  2. Hindi tayo estranghero sa pagdurusa. Paano natin mailalakip ang 1 Pedro 4:12-14 sa ating kasalukuyang kalagayan.?
  3. Paano natin mapapanatili ang pag-asa na kailangan natin upang mapagtagumpayan ang  mahihirap na kalagayan? Angkinin ang Juan 16:33 at ipanalangin ito para sa iyong sarili o sa iyong kapatid na dumaranas ng pagdurusa.